Pinagmulta ng NBA si Golden State coach Steve Kerr dahil sa paninigaw sa referee.
Bago natapos ang 127-107 loss ng Warriors sa Portland Miyerkoles ng gabi, nagwala si Kerr dahil sa isang tawag.
Naiiwan ang Golden State 110-103, pinituhan ng flagrant foul si Draymond Green sa pagdamba kay Zach Collins ng Trail Blazers.
Sinugod at sinigawan ni Kerr si referee Ken Mauer, binalibag pa ang hawak na clipboard.
Binigyan ng dalawang technicals ang coach at awtomatikong na-eject kulang 4 minutes pa sa laro.
Ipinasok ni Damian Lillard ang tatlong technical shots, ibinaon din ni Collins ang dalawang free throws tungo sa 115-103 Blazers lead.
Binagsakan ng $25,000 fine si Kerr, ayon kay NBA executive vice president of basketball operations Kiki VanDeWeghe nitong Huwebes.