Kerwin sa WPP nagkakalinaw

Uusad na umano ang ginagawang paghahanda­ ng Department of Justice­ (DOJ) para mailagay sa Witness Protection ­Program (WPP) ang drug lord na si Kerwin ­Espinosa.

Ito ay matapos na magpalabas ng kautusan si Judge Carlos Arguelles ng Baybay City Regional­ Trial Court sa Leyte na sa loob ng 10-araw ay dapat nang mailipat si Espinosa­ sa detention facility ng National Bureau of Investigation (NBI) mula sa Philippine National Police (PNP) Custodial­ Center sa Camp Crame.

Ipinaliwanag ni Aguir­re na hindi nila maiproseso ang naunang aplikasyon ni Espinosa­ sa WPP dahil kailangan munang aprubahan ng korte sa Leyte ang hi­ling ng kampo ni Kerwin na mai­lipat ang kanyang kustodiya sa NBI.

Ang kaso ni Kerwin kaugnay sa droga at illegal possession of firearms ay nakabinbin sa Baybay City Regional Trial Court.

Sa ngayon ay hawak pa rin ng PNP si Kerwin matapos itong ikustodiya­ sa pambansang pulisya­ nang dumating ito sa bansa mula sa Abu Dhabi kung saan siya naaresto.