Sinakote ng Kabacan Elementary School (KES)ng Barangay 76-A Bucana ang titulo ng PSC-Kadayawan Girls Volleyball Cham­pionship sa University of Mindanao Gym.

Hinakbangan ng KES ang Tambobong Elementary School 25-12, 25-10 sa likod ni team captain Sophia Pabilona na nahirang na MVP at best attacker ng tatlong araw na torneo na nilahukan ng 150 batang babae edad 13-anyos pababa mula sa 10 teams sa tatlong distrito ng Davao City.

Ang service ace ni Pabilona ang sumelyo sa korona at P10,000 championship prize. Nagkasya ang TES sa P7,000.

Sa battle for third, u­ngos ang Talandang Elementary School sa Vicen­te Hizon Sr. Elementary School 25-22, 25-21 para isubi ang P5,000 cash.

“Lipay kaayo mi nga nag-champion mi kay mao jud ang goal namo (Masa­yang mag-champion ulit),” ani Pabilona, 12, sabay ng pasasalamat sa PSC sa pagdaraos ng kumpetisyon lalo’t bihira silang maimbitahan sa mga pribadong paligsahan.