Napilitang umatras bilang host ng 91st annual Academy Awards si Kevin Hart dahil lamang sa nagawang anti-gay tweets halos 10-taon na ang nakakaraan.
Nitong Miyerkoles nang i-announce na si Hart ang magiging host sa darating na Oscar awards night ngunit pagsapit ng Huwebes ng gabi ay nagdesisyon na itong tanggihan ang pagho-host. Aniya sa Twitter: “I have made the choice to step down from hosting this year’s Oscar’s….this is because I do not want to be a distraction on a night that should be celebrated by so many amazing talented artists. I sincerely apologize to the LGBTQ community for my insensitive words from my past.”
Ang desisyon ni Hart na huwag nang tumuloy ay matapos niyang tumangging humingi ng paumanhin dala ng nagawang tweet against sa mga gay na burado na naman at halos 10-taon na umano ito nangyari. Naglabas siya ng video sa Instagram na nagpapaliwanag ngunit lalo lamang lumala ang sitwasyon.
Binigyan si Hart ng ultimatum ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences para mag-apology at kung hindi ay maghahanap sila ng ibang host.
Matigas ang paninindigan si Hart, wika niya, “I chose to pass on the apology. The reason why I passed is because I’ve addressed this several times. This is not the first time this has come up. I’ve addressed it. I’ve spoken on it. I’ve said where the rights and wrongs were. I’ve said who I am now versus who I was then. I’ve done it. I’m not going to continue to go back and tap into the days of old when I’ve moved on and I’m in a completely different place in my life.”
Ngunit kalaunan nga’y siya na mismo ang nagdesisyon na huwag nang tumuloy sa Oscar’s.