Mahaba-haba pa ang ipaghihintay ng Cleveland Cavaliers bago makabalik si All-Star forward Kevin Love.
Malamang na sa kaagahan ng 2019 na raw makabalik si Love na sumailalim sa foot surgery noong Nob. 2.
Hindi kinaya ni Love ang pressure at sakit sa kaliwang hinlalaki sa paa na inabot ng injury sa preseason opener pa ng Cavs. Unang sinabi ng team na out ng six weeks si Love.
Nitong Martes sa interview ng ESPN, kinumpirma ni Love na makakabalik siya pagkatapos na ng new year. Dalawang linggo pa raw siyang gagamit ng restrictive boots.
“There’s just no telling at this time with the weight-bearing injury what it is going to be like moving forward,” aniya.
Ininda ng rebuilding Cavs ang pagkawala ni Love, ang dating maangas na team sa East ay league-worst 2-13 sa umpisa ng season.
Iho-host ng Cleveland ngayon ang dati nilang superstar na si LeBron James at ang Los Angeles Lakers.