Kevin, Raul, Larry pinahiya ng Aces

NLEX

Nalagay sa panganib sa pangatlong sunod na pagkakataon ang NLEX matapos makabangon sa pagkakabaon sa 30 puntos ang Alaska Milk kagabi sa Araneta Coliseum.

Mabuti’t nagkabalansehan ng kinang sina Kevin Alas, Raul Soyud at Larry Fonacier upang sorpresang masagasaan ng Road Warriors ang Aces, 96-89, sa 43rd PBA Philippine Cup elims.

Muling nakalusot sa butas ng karayom ang NLEX sa Alaska kahit umabot nang hanggang 30 ang kalamangan ng una, 87-57, sa fourth quarter dahil sa magandang ikot ng bola at balanseng opensa.

Naibaba ng Alaska sa huling apat na minuto ng laro ang dambuhalang hinahabol matapos magsunod-sunod ang turnovers ng Road Warriors. Bumomba ang Aces ng 32-4 para magbanta sa 89-91 na lang.

“I thought we would have a comfortable win, but I was wrong again,” pag-amin ni Yeng Guiao. “You really need a 30-point lead to beat Alaska. There’s a reason why they got six straight wins, and they were just probably due for a loss.”

Sinampa ni Guiao ang hukbo niya sa 5-4 at nilagare ang anim na ragasa ng kalaban na dausdos sa 6-1 at unang kabiguan sa taong ito.

“I think this win is good for us in terms of learning a lot of lessons,” panapos ng Road Warriors coach.

Tumapos sina Alas, Soyud at Fonacier ng tig-15 points. Ayuda si Kiefer Ravena ng 12 pts. at 10 assists, at 12 markers din si JR Quiñahan.

Anim sa Alaska ang lumaklak ng double figures sa tig-12 pts. nina Jeron Teng, JVee Casio at Vic Manuel.

Ang iskor:

Unang laro

NLEX 96 — Alas 15, Soyud 15, Fonacier 15, Quiñahan 12, Ravena 12, Tiongson 8, Miranda 8, Mallari 4, Baguio 3, Al-Hussaini 2, Gotladera 2, Taulava 0.

Alaska Milk 89 — Teng 12, Casio 12, Manuel 12, Cruz 10, Abueva 10, Enciso 10, Exciminiano 7, Banchero 4, Thoss 4, Racal 4, Potts 3, J. Pascual 1, Baclao 0.

Quarters: 29-18, 52-32, 79-54, 96-89.