Sa kauna-unahang pagkakataon ay maipoprodyus ang unang Filipino film sa ilalim ng Netflix. Ang pelikulang “Dead Kids” ay naisakatuparan dahil sa partnership ng Globe Studios at Netflix.
Ang thriller-crime movie ay base sa totoong pangyayari at ididirek ng batikang direktor na si Mikhail Red na siyang nasa likod ng pelikulang Birdshot at Eerie.
Isiniwalat ng direktor na ang pelikula ay pagbibidahan ni Sue Ramirez at Khalil Ramos. Kasama rin sa cast sina Vance Larena, Markus Paterson at Kelvin Miranda.
Masaya si Khalil na bibida siya sa kauna-unang Filipino Netflix Film. Aniya, “The news is finally out. This is unreal. I’m part of the very FIRST FILIPINO NETFLIX FILM. Wild!!! Could anybody guess which of these goofballs is me? Dead Kids soon on @netflix worldwide! Congrats to the whole team behind Dead Kids!! #DeadKidsOnNetflix.”
Hindi pa tiyak kung kailan ilalabas ang pelikula sa Netflix. (Ronaline Avecilla)