Khrysta sumuko nang madiligan

Sumuko na sa laban sa BNaked ang candidate na si Khrysta Savellano.

May bagong chapter ng buhay na kanyang tatahakin.

Ano ang feeling na may bagong ‘blessing’ na dumating sa kanya?

“Masaya po pero may halo rin pong takot kasi magiging mommy na ako .Baka di ko kayanin ang sakit ng panganganak ha!ha!ha!,” sambit niya.

Last sexy photo ni Krysta ang kuhang ito bago siya maging isang ina. Babalik ba siya sa modelling at pagta-talent pagkapanganak?

“Di ko pa po sure. Baka mag-focus po ako sa baby ko,” pakli niya.

“Kasi ayaw ko po na mangyari sa kanya ang mga naranasan ko po.

Broken family po kasi kami,” dagdag pa ni Khrysta.

Ano ang message niya sa mga modelo pag dumating sa kanila ang ganitong kalagayan?

“’Wag po nila tatanggihan ang blessing na binigay ni Lord. Mag tiwala lang po tayo sa Diyos kasi he has great plans for us po,” tugon niya.

Happy rin siya na sa piling ng magiging ama ng kanyang anak.

“ Ok naman po kami. Di naman n’ya po ako pinapabayaan at ‘yung magiging anak n’ya po. Support naman po both mga magulang po namin,” lahad pa ni Khrysta. (Roldan Castro)