ANG dami nang nagla­labasang kuwento tungkol sa hiwalayan nina Gab Valenciano at Tricia Centenera.

Nagbigay na rin ng pahayag ang nakababatang kapatid ni Gab na si Kiana Valenciano.

Napilitan siyang magsalita nang ini-launch ang single niyang Circles na siya mismo ang nagsulat.

Aminado si Kiana na apektado ang buong ­pamilya sa biglaang ­hiwalayan ng dalawa.
Close na sa kanila at itinuturing nang pamilya si Tricia.

Kung anu-anong tsismis­ ang naglabasan at kung sinu-sino ang nadamay­ sa isyu ng k­anyang kapatid.

Ani Kiana, “It affects us. It’s not something nice to hear. But, you know as I said we have to keep praying and keep moving forward. Rumors will always come.

“It’s a tough time. ­Tricia will forever be part of the family. But, you know with the prayers of anyone we’ll gonna keep moving forward na lang.

“We’re dealing with it the best we can.

“Kasi, there are two families involved. We’re all close na, eh. We all became one big family.­ T­ogether, we’re just ­really trying.

“I hope that whateve­r happens, we all still come out happy. Whatever God’s will, it will happen.”

Nasasaktan sila sa mga sinasabi ng ibang tao. Nakakarating sa kanila ang mga komento­ ng bashers at may times na gusto na niyang ­patulan.

Naisip na lang niya na ang mabuting gawin ay i-block o i-unfollow ang bashers.
“There are so many times na gusto ko sabihin na, ‘you know you’re not a part of the family.

You don’t know what’s going on’.

“Pero it won’t really do anything eh. You just give what they want. So, better to just be quiet na lang,” saad ni Kiana.

Naka-focus ngayon si Kiana sa bagong single­ niya na namamayagpag at maganda ang feedback sa spotify. Hopefully,­ ­album na ang kasunod.

Proud siyang nabuo niya ang kantang ito mula­ sa mga nakaraan niyang relationship, at hindi sa kasalukuyang nali-link sa kanya na si Sam C­oncepcion.

Nilinaw niyang walang namamagitan sa kanila ni Sam, kundi luma­labas lang sila minsan.

Natutuwa raw siya dahil okay ang friendship nila ni Sam.