Naging mapayapa at maayos sa pangkalahatan ang pagdaraos ng unang linggo ng 2018 Bar Examination sa University of Sto. Tomas UST sa Sampaloc, Maynila.
Ayon sa Manila Police District (MPD), wala naman naitalang kaguluhan sa kapaligiran ng UST kung saan may 400 pulis ang nagbantay sa pagsusulit.
Sinalubong ng kanilang mga kaeskuwela sa Law schools, fraternities, sororities, academic organizations, gayundin ng kanilang pamilya at mga kaibigan ang mga examinees.
Binati rin ni Associate Justice Mariano del Castillo, chairman ng Supreme Court Bar exams committee, law school deans ang mga examinees para sa tradisyunal na agahan kung saan pinag-usapan ang mga tanong sa unang araw ng exam.
Maging si Associate Justice Marvic Leonen ay bumisita sa lugar kung saan ininspeksyon nito ang security operations ng mga pulis at personal din na binati ang mga kukuha ng exam.
“Eat well, sleep well. Don’t panic and take the exam one question at a time,” ayon kay Leonen, dating dean ng UP, sa mga examinee bago magsimula ang exam.
Mahigpit naman ipinatupad ng Manila city government ang liquor ban sa 100-meter radius ng UST at ang ‘no parking’ policy sa may kahabaan ng España at Dapitan St., sa panahon ng exam.
‘No tent and tarpaulins’ and ‘no loud music’ policies sa bisinidad ng UST sa apat na linggo.
May mga medical personnel rin na nakaantabay para sa emergency situations.
Sa unang linggo ng pagsusulit kukunin sa umaga ang political law habang labor law naman sa hapon.