Happy and proud si Hashtag Kid Yambao na isa siya sa lead star ng pelikulang “Two Love You” na tinatampukan din nina Lassy Marquez, Yen Santos, MC Muah, Dyosa Pockoh, at iba pa.

“Sobrang happy ako, proud ako na ang mga nakatrabaho ko sa movie’ng ito na sina Lassy, Yen, at iba pa ay kilala na sa industriya. Ako kasi, gusto ko lang ay magtrabaho at kumita para siyempre sa ibubuti ng pamilya ko.

“Sa akin, bonus na lang kung darating ang fame. Pero gusto ko lang hangga’t maaari ay may trabaho lagi,” pahayag ni Kid.

Paano niya ide-describe ang kissing scene nila ni Yen? “Nakakaelya! Hahahaha! Iyon lang,” diretsahang sagot ni Kid habang natatawa.

Ano ang lasa ng lips ni Yen? “Masarap ang lasa ng lips niya, matamis si Yen, eh. Hinanap-hanap ko nga ‘yung lips ni Yen, kaya lang ay bawal, eh, hahaha!”

Ang relasyon ba nila ni Lassy sa movie ay parang Vice Ganda at Ion Perez ang peg?

Sambit ni Kid, “Well, oo sabagay… puwede kong sabihing parang sila, pero iba rin kasi ‘yung sa amin ni Lassy, kasi iba ‘yung atake namin. ‘Tsaka iyon, may anak si Lassy sa movie.”

Pahabol pa ni Kid, “Maraming aral na mapupulot sa pelikula namin, lalo na sa mga sawi. Makikita nila rito ‘yung kakaibang love triangle. I hope magustuhan ito ng mga tao at maging maganda ang outcome ng movie.”

Ang riot sa katatawanang pelikulang ito ay hatid ng OgieD Productions Inc., Viva Films, Lonewolf Films, at CMB Films Services, Inc. Showing na ang “Two Love You” ni Direk Benedict Mique sa November 13. (Nonie Nicasio)