Papasok na sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame ang mga dating astig na guards sa NBA na sina Jason Kidd, Steve Nash, Grant Hill at Ray Allen.
Pangungunahan nila ang 13 miyembro ng Class of 2018 kasama sina Maurice Cheeks at WNBA legend Tina Thompson.
Ranked second at third sina Kidd at Nash sa career assists, sa likod ni Hall of Famer John Stockton.
Pangatlo sa NBA history si Kidd sa may pinakamaraming triple-doubles sa 107 at nanalo ng championship sa Dallas Mavericks noong 2010-11.
Isa si Nash sa 12 mga player lang na may dalawang MVP awards (‘05 at ‘06), sa loob ng 18 taon ay naglaro sa Phoenix Suns, Mavericks at Los Angeles Lakers. Player development consultant na siya ng Warriors ngayon.
Naghati sina Kidd at Hill sa karangalan bilang NBA Rookie of the Year sa 1994-95 season.
Sa loob ng 19-year career, second all time si Kidd sa 2,684 steals, sa likod ni Stockton. May dalawang gold medals si Kidd para sa US sa Syndey Olympics (2000) at Beijing Games (2008).
Binagabag ng injuries sa kanyang 19-year career sa NBA si Hill, naka-pitong All-Star appearance at Olympic gold medalist ng US team sa Atlanta 1996. Hindi siya point guard, pero matikas ding playmaker.
Si Cheeks ang starting point guard ng 1983 champion Philadelphia 76ers.
Four-time WNBA champion si Thompson, two-time Olympic gold medalist din. Siya ang second all-time leading scorer ng WNBA.
Naka-18 seasons si Allen, NBA all-time leader sa 3-point shots made (2,973) at may dalawang championship sa Boston (2008) at Miami (2013). Naglaro din siya sa Milwaukee Bucks at Seattle SuperSonics.
Sa huling season niya sa Heat, ibinaon ni Allen ang clutch 3 sa Game 6 ng Finals kontra San Antonio na nagpuwersa ng overtime. Nanalo ang Miami sa laro, kinubra din ang Game 7 para iuwi ang pangatlong kampeonato.