Wala nang buhay nang matagpuan ng mga kaanak ang isang 49-an­yos na Muslim habang nawawala ang misis nito matapos na unang kidnapin ng apat na hindi nakikilalang suspek, kama­kawala ng hapon sa Sampaloc, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong alas-11:00 ng gabi ng makita ang biktimang si Laogan Kamir sa may kahabaan ng Arroceros Extension corner McArthur bridge, Ermita, Maynila.

Nakita umano ang biktima na may nakasuot na bonnet sa ulo na may pulupot na packaging tape. May nakita ring alambre nakapulupot sa leeg, at may nakatali na packa­ging tape sa mga kamay at may nakuha rin sa tabi nitong papel may nakasulat na “Kage Lao Drug lord ng Mindanao kayo na ang susunod”.

Sa imbestigasyon ng pulisya nalaman na unang­ nagreklamo sa MPD-Police Station 4 ang kamag-anak ng biktimang si Suharto Kamir matapos nitong personal na masaksihan ang pagkidnap sa biktima at sa asawa nitong si Noria Kamir, 42, residente ng 1868 Fajardo St., Sampaloc, Maynila dakong alas-tres ng hapon kamakalawa habang naghihintay ng pampasaherong jeep sa may San Diego St., corner Fajardo St. Sampaloc, Maynila.

Tinutukan umano ang mag-asawa ng apat na suspek nakasuot ng bonnet at sapilitang isinakay sa Toyota Hi Ace may plakang ZWF-107.

Kinagabihan ay nakita nang walang buhay ang lalaki pero hindi pa natatagpuan ang babae.

4 Responses

  1. CHR, DELIEMA, TRILLANES, HONTEVEROS PAKI CHECK YUNG KRIMINAL BAKA MAHULI NI BATO MAPATAY….ILAGAY NYO AGAD SA WITNESS PROTECTION PARA HINDI MAGALAW NG MGA PULIS KAWAWA NAMAN YUNG MGA KRIMINAL, KASI MAGAGAMIT NYO YAN PANLABAN KAY P, DGONG….HAHAHA PAKSHET!!!!

  2. saklolohan mo de lima! kawawa naman! tagapagtanggol ka naman ng mga halimaw! nakinabang ka naman ng milyun-milyon sa illegal drugs! tang-ina mo de lima! ang sarap mong buhusan ng kumukulong tubig!