Kidnaping nakaamba kontra Bulacan CIDG

kidnapping

Nasa hot water ngayon ang buong hanay ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Bulacan dahil umano sa pagkakasangkot sa kidnaping sa isang negosyante.

Kahapon ay ipinatawag na ni PNP-CIDG Director, Chief Supt. Roel Obusan, ang buong puwersa ng Bulacan upang magpaliwanag kaugnay sa umano’y operasyon na ginawa ng isang unit ng PNP-CIDG na Special Business Concerns Unit laban sa isang negosyanteng Danny Coral noong Lunes.

Agad nanghinala si Obusan sa operasyong sinasabi dahil wala naman umanong Special Business Concerns Unit ang CIDG.

Humingi na rin si Obusan ng tulong sa PNP-Anti Kidnapping Group para matukoy ang mga pulis na nasasangkot.

Sa ngayon, ‘batch by batch’ na pinapatawag ang mga pulis na nakatalaga sa CIDG Bulacan para isailalim sa imbestigasyon.