Kidnapper timbog sa pagkubra ng ransom sa Smart Padala

Kalaboso ang isang kidnapper matapos itong makorner ng mga pulis sa entrapment ope­ration sa kasong pagdukot sa isang 12-an­yos sa Lipa City, Batangas kamakalawa.

Ayon sa Lipa City police, halagang P5,000 ransom money ang hiningi ng suspek na si Jay Tan y de Guzman kapalit ng kala­yaan ng batang kinidnap nito na si Monique.

Sa report ng Lipa PNP, alas-12:00 ng tanghali, nasa Barangay Marawoy, Lipa City ang biktima kasama ang isang kaibigan nang lumapit ang suspek at magpa­kilalang kamag-anak ito ng tatay ng biktima.

Inaya nito ang bata na sumama sa kanya patungong Lipa City public market.

Dakong alas-tres nang hapon nang tumawag ang suspek sa lola ng bata at humihingi ng P5,000.00 cash para ibalik nito ang biktima.

Ayon umano sa suspek, ipadala ito sa pamamagitan ng Smart Padala. Nagsumbong naman ang lola sa mga pulis na agad nagkasa ng entrapment operation.

Naaresto ang suspek habang kinukubra ang pera sa isang outlet ng Smart Padala sa Lipa City. Ligtas namang nabawi ang biktima.

Nakakulong na nga­yon ang suspek sa Lipa City locked up jail at nahaharap sa kasong kidnapping.