Matapos masuspinde dahil sa paggamit ng banned substance, makakapag-ensayo nang muli si ‘The Phenom’ Kiefer Ravena kasama ang Gilas Pilipinas pool.
Sa Lunes ay makakasama na sa tropa si Ravena, unang sabak sa hard court matapos mapatawan ng 18-month suspension ng international body.
Hindi lamang sa Gilas Pilipinas magbabalik si Ravena, maging sa mother team niyang NLEX Road Warriors ay makakasama na rin sa ensayo ang 25-year old guard.
“That’s the time we’re expecting Kiefer to practice with NLEX. But I expect him to practice with Gilas in the evening,” ayon kay NLEX at Gilas head coach Yeng Guiao.
Sa Twitter naman, naging emosyonal si Ravena, nagpasalamat sa mga fan at basher na nagpatatag sa kanya sa buong suspension period.
“485 out of 487 days. People will ne-ver understand what i went through.
This experience has made me tougher, hungrier and a lot wiser. To my day ones, you will always be a part of my journey. You guys were there every step of the way. Ya’ll Ne-ver stopped believing in me,” pakli ni ‘The Phenom’. (Ray Mark Patriarca)