Sinuportahan ng mga elite athletes na sina Kiefer Ravena at Gabe Norwood ang maayos na nutrisyon na dapat makuha sa mga produkto hindi lang para sa sarili nila kundi sa buong pamilya. .
“I always watch everything I eat and drink especially after what happened to me a couple of years ago,” ani Ravena, na maingat sa kanyang pagkain matapos mabiktima ng banned substances sa isang supplement na nagresulta sa higit isang taong na suspensiyon niya sa FIBA at PBA.
“Being an athlete of my age, I need to watch what I eat to help extend my career,” sabi naman ni Norwood, isang 12-year pro. “And I need to teach my kids as well the importance of proper nutrition.”
Kapwa aprubado nina Norwood at Ravena ang produkto ng Bounty Fresh na mga manok ng Bounty Agro Ventures Inc., ang una at tanging poultry integrator sa bansa na hindi naglalagay ng mga antibiotics at kemikal sa lahat ng mga produkto. (Lito Oredo)