Kiefer magbabawi sa pamilya ngayong Undas

Tapos ng 111-91 win sa Rain or Shine, makakaPAhinga nang mahaba-habang araw ang NLEX.

Nilista ang 7-1 record, kaakbay ng NLEX ang TNT sa unahan ng PBA Governors Cup standings pero No. 1 ang Road Warriors dahil sa winner-over-the-other rule.

‘Di biro ang mga huling laro ng Road Warriors, kabilang ang back-to-back games sa Dubai nitong unang linggo ng October.

Bugbog sa dinaanang giyera, tapos ng Elasto Painters game ay makakapahinga ang Road Warriors.

Pero ‘di lang rest-and-recreation.

Si Kiefer Ravena, babawi lang mula sa sagarang ilang linggo. Nataon pa sa Undas, may plano rin siya.

“It’s a break but not really a vacation that we really should take for granted,” ani Kiefer. “Time for us to spend time with our families, loved ones or our lost loved ones.”

Tapos ng All Saints Day, balik na naman sa ensayo ang Road Warrior.

“Stay on our toes,” anang dating kamador ng Ateneo. “It’s going to be harder and harder for us, kasi when you’re at the top everybody’s going after you.”

Sa Nov. 10 ang balik ng Road Warriors laban sa defending champion Magnolia. (VE)