Kihei Clark future ng PH basketball

Kihei Clark future ng PH basketball

Maganda ang future ng Philippine basketball dahil sa mga gaya nina Jordan Clarkson at naturalized center Andray Blatche na bahagi ng national team.

Nariyan pa ang high school prodigy na si Kai Sotto na tiyak na makakatulong din sa Team Phi­lippines sa mga darating na taon.

Idagdag pa ngayon si Kihei Clark, ang point guard ng US NCAA champion University of Virginia Cavaliers, na sa tingin ni ESPN5 sporstcaster Jinno Rufino ay magiging malaking bagay para sa Philippine basketball sa hinaharap.

“NCAA Champ and hopefully Future Gilas … Kihei Clark traditional PG… so nice to see,” tweet ni Rufino kasama ang video post ng isang play kung saan ay ipinapakita ang mga highlight ng laro ni Clark.

Si Clark naman, proud sa pagkakaroon ng dugong Pinoy dahil sa Twitter profile nito ay nakalagay ang “I dig Jam Champs University of Virginia Point Guard #GoHoos,” na may kasamang flag ng Pilipinas sa dulo.
(Janiel Abby Toralba)