Nabuo na bilang tropical depression ang low pressure area (LPA) o namumuong sama ng panahon na namataan sa Aurora.
Sa ipinalabas na Severe Weather Bulletin 1 ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), alas-kuwatro ng hapon nang huling mamataan ang bagyong Kiko sa layong 490 kilometro ng Silangan ng Casiguran, Aurora.
May lakas ng hangin na hanggang 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 65 kilometro kada oras.
Kumikilos ang tropical depression Kiko sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Wala pang itinataas na tropical cyclone warning signal pero posibleng ilagay sa Storm Signal 1 ang bahagi ng Babuyan Group of Islands at Northern Cagayan.
Taglay ng bagyo ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa loob ng 300 kilometrong diameter nito.