Kiko, energy booster ni Barbie

Kiko Estrada

TILA inspired ang Kapuso Teen Queen na si Barbie Forteza ngayon dahil nagkaka­mabutihan sila ni Kiko Estrada.

Inamin ni Barbie na energy booster niya ang aktor at nagsisilbing inspirasyon.

“Nakakataas siya ng energy kahit paano… ‘yung kapag nasa work ka, alam mong may nagpapaganda ng araw mo. “Nakakadagdag siya ng energy sa ginagawa mo, lalong tumataas ang level ng performance mo.

“Tsaka ‘yung nakaka-inspire siya. Kung kilala lang nila si Kiko, napa­ka­bait niyang tao, lalo na sa parents niya,” bulalas ng aktres na bida sa Cinemalaya 2016 entry na Tuos.