Kiko inangkin si Devon

tonite-pak-allan-diones
Nakorner namin si Kiko Estrada sa isang Christmas party nu’ng Thursday night.
Sinabi namin kay Kiko na si Devon ­Seron ang palagi naming naiinterbyu tungkol sa relasyon nila, pero ang lagi ­nitong sinasabi ay siya ang tanungin ­bilang siya ang lalaki.
Actually, obvious namang sila na talaga. Sabay silang dumating sa party na magka-holding hands at hindi maikakailang inlabey sila sa isa’t isa.
“She’s very pretty. She’s very pretty,” ang medyo pa-cute na bungad sa amin ni Kiko.
Pero ‘yun na nga, sa kanya talaga dapat manggaling ang kumpirmasyon dahil siya nga ang lalaki, ‘di ba?
“Of course, I respect that. I respect her so much and I just appreciate her beauty.
“Right now, ayaw pa naming magmadali, but I really like her and she’s special to me. That’s it. I think that’s all you have to know,” bulalas ng 23-anyos na binata.
Kapag nagpo-post si Kiko sa social media, halatang-halata na love na love niya si Devon at ine-express niya talaga ‘yon para malaman ng lahat.
“Yeah, I don’t hide it naman.”
In fairness, medyo matagal-tagal na rin sila, ha? Sa “Walwal” naging sila (although may nagsabi sa amin na “Pwera Usog” pa lang ay nagkakamabutihan na sila ni Devon), ‘di ba?
“Yeah, I know. Actually, ngayon n’yo lang ako nainterbyu, tapos ni-hot seat n’yo pa ako! Ha! Ha! Ha!
“But it’s okay, I wanna get the questions out of my chest. Like whatever you guys are thinking,” nakangiting pakli ni Kiko.
Kitang-kita naman na masaya sila together.
“Thank you. Siya (Devon) lang yata ‘yun mabait sa buhay ko ngayon. She’s the light in the darkness.”
Wow naman! Inulit namin kay Kiko na sa kanya dapat manggaling ‘yung confirmation na sila na dahil siya nga ‘yung guy.
Dayalog niya sa amin, “Of course. She’s mine! That’s it!”
‘Yun na! Kompirm! PAK!!

Young actress iniwan ng aktor

Paglapit ni Devon ay pinagreak namin ito sa sinabi ni Kiko na ­special siya sa binata.
“Yeah, siya rin naman sa akin. Pinagpapawisan ako!” natatawang bulalas ng 25-anyos na dalaga.
“Ayoko nang magsalita, nai-speechless ako!” natatawang sambit pa nito.
Teka, anong feeling ni Devon na balitang lumipat na ng ABS-CBN si Kiko at iiwanan siya nito sa GMA?
“Ano naman eh, work-work lang. Professional. Hindi naman ibig sabihin na magkahiwalay kaming network, hindi na kami magkakasama, hindi na magkaka-bonding,” sey ni Devon.
Hopefully next year ay magkatrabaho raw ang DevKi sa movie. Ani Kiko, may gagawin silang movie sa Regal ni Devon.
Ang sabi pa ni Devon, hindi raw siya worried na baka may ma-meet na ibang girls sa kabila si Kiko because they trust each other daw. At kilala raw niya ito matagal na, loyal daw ito.
Naaliw kami sa hirit ni Devon kay Kiko na, “Pinagpawisan ako. Hindi ako makasagot. Binigla mo ako du’n!”
Sa Christmas ay kasama raw ni Kiko ang pamilya niya, pero sa New Year’s Eve ay sila ang magkasama ni Devon at gusto raw nitong mag-beach.

‘Walwal’ boys kumpleto na sa ABS-CBN

Tungkol sa paglipat (o pagbalik) ni Kiko sa ABS-CBN, ang sabi niya sa amin na sinusunod niya lang ang sinasabi sa kanya ng manager niyang si Arnold Vegafria.
Bale kahapon ay may meeting sila ni Arnold with GMA para pag-usapan ang mga bagay-bagay na may kaugnayan doon.
Thankful daw si Kiko sa lahat ng binigay sa kanya ng GMA, pero sometimes ay kailangan daw mag-move on, mag-mature at mag-grow.
Dumalo si Kiko sa storycon kamakailan ng teleser­yeng gagawin niya sa ABS na bida nina JM de Guzman at Arci Muñoz. “Project Kapalaran” ang pamagat nito.
Nandu’n din sa Regal Christmas party si Jerome Ponce na co-star ni Kiko sa ‘Walwal’.
Paglapit sa amin ni Jerome ay winelkam nito si Kiko sa ABS. Kumpleto na raw ang ‘Walwal’ boys sa Kapamilya network dahil nandu’n din ang tropa nilang sina Elmo Magalona at Donny Pangilinan.