WALANG pakialam ang mga JaDine fans sa malakas na ulan, kulog at kidlat, dinagsa nila ang Music Hall ng SM Mall of Asia kung saan ini-launch ng Bench ang Bench Everyday promo nito.
Jeans daw ang madalas na suot ni Nadine, at si James naman ay shirt na bagay sa kaseksihan niya.
Nang rumampa si James sa launch, may pa-cute pa siyang tinataas ang biyak ng shirt sa gilid nito, pero hindi naman nasilip ang abs nito.
Ang cute nilang dalawa at kitang-kita mo sa mga kilos nilang in love na in love silang dalawa.
Sayang at hindi namin gaanong nakatsikahan ang dalawa dahil mas na-prioritize ang meet-and-greet sa fans.
Hindi tuloy namin napakuwento kay James ang tungkol sa bagong album na binubuo niya.
Sabi niya kasi sa mga nakaraang interview, ibang-iba ito sa mga nagawa niya.
Lahat daw na mga kanta sa bagong album ay sinulat niya. Tatlo raw roon ay para kay Nadine.
Napag-usapan din sa nakaraang interview na kung ini-launch ang Team Real book nila na inamin ni Nadine na naging crush daw niya talaga si James noon pa.
“Mahirap po kasi ang ganu’n. Mas obvious pag nagpipigil ako.
Kung hindi naman po nangyari ‘yun, hindi ko naman ma-realize eh,” bahagi ng pahayag sa nakaraang interview sa kanya ng PEP.
Sabi ni James, malaking bagay na mag-bestfriends sila kaya na-develop sa magandang relasyon.
“Before anything else, bestfriend ko siya. We still like act friends in love,” sabi ni James.
Hit na hit din ang ipinost ni James sa kanyang Twitter account na dance video ng One Dance ni Drake.
Kasama niya ang dalawang miyembro ng G Force na kinunan pa ang dance video na iyun sa nagyeyelong bundok ng Alberta, Canada.
Ang ganda ng dance version na iyun ni James at nag-trending na rin sa dami ng nag-like at nag-share nito.
***
Mabilis ding na-share kahapon ang huling statement ni Pres. Rodrigo Duterte kung saan ibinunyag niya ang mga pangalan ng mga pulitiko, judge, general at pulis na involved sa drugs, na pinagbibintangang mga protector ng drug syndicates.
Ilan sa mga nabanggit ay kilala at malapit sa ilang kilala sa showbiz, pero as of presstime, wala pa kaming nakukuhang reaksyon mula sa kanila.
Ang isa pang ikinaloka namin, ang kuwento ng isang kaibigan na tungkol sa ilang kilalang aktor na involved pa rin sa booking.
May binanggit siyang presyo na pinapatulan daw nitong isang kilalang aktor na isa rin sa nasangkot noon sa sex video scandal.
Parang ayaw naming maniwala dahil alam naming mula sa mayamang pamilya itong si aktor, kaya duda kami.
Pero sabi sa amin ng aming source, hindi datung iyun dahil sa nangangailangan siya. Trip lang daw dahil mas ine-enjoy daw nito ang makipag-sex sa bading.
Hindi lang kinumpirma sa amin kung bading din ba ito. Basta, trip lang niya!
Ang nagrereto sa mga bading kay naturang aktor ay isa ring aktor na na-involve sa mga isyung pa-booking at kabadingan.
pag enjoy kang makipagtalik sa bading, bading ka rin. walang maiikutan.