Kilalang businessman na-wow mali na nagbigay ng bahay sa young actress

MUKHANG nakuryente ang isang tabloid (hindi ang Abante) sa paghe-headline ng isang kilalang pigura sa lipunan na diumano’y karelasyon ng isang magandang young female personality.

Dahil sa matinding isyung kinapapalooban ng magkakapamilyang artista ay kung sinu-sino na ang nauugnay sa kanilang pangalan ngayon.

Sabi ng aming source, “Mali ang name, hindi ‘yung kilalang businessman na naka-headline ang sinasabing nagbigay ng bahay sa young actress!

“Matagal nang kuwento ‘yun, na may isang businessman na nagpatayo ng bahay para sa young actress, pero wala namang makapagpatunay nu’n!

“Pero hindi ang businessman na na-drag ang name ang negosyanteng nagbigay ng house sa girl, magkatunog lang ang apelyido nila, pero mali ang pangalan!” madiing pagwawasto sa kuwento ng aming source.

Sikat na aktor nilayasan ng direktor, head scriptwriter

HINDI pala marunong tumanggap ng pagkakamali ang isang sikat na male personality. Feeling daw ng matagumpay na aktor ay tama ang lahat ng kanyang ginagawa.

May mga bahagi ng kanyang serye na kailangang palitan, kinukuwestiyon niya ang mga scriptwriter kung bakit kailangang maging ganu’n ang eksena, meron kasi siyang ibang naiisip na gawin.

Kuwento ng aming source, “Hindi siya nagpapatalo, kailangang ‘yung idea niya ang masunod kahit pa imposible nang mangyari ang ganu’n.

“Nahihirapan na ang mga sumusulat ng script ng serye, kasi nga, nakikialam na ang bumibida sa palabas. Puro matitinding eksena ang gusto niyang mangyari sa siya mismo ang gagawa ng mga ‘yun, pero mukhang imposible na!

“Imagine, tama bang habang nakikipagbarilan sila sa mga kalaban, e, kinailangan niyang magmotorsiklo sa ospital? Tama nga ba naman ‘yun! E, easy target siya kapag ganu’n, ‘di ba naman?

“Pero pinagpuwede niya ‘yun, nakaligtas siya, tumalon pa nga ang bida sa bintana na sakay ng motorsiklo, ‘di ba naman?” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Isa-isa nang nawawala ang mga nagtatrabaho sa produksiyon, umalis na ang kanyang mga direktor, ang pinakahuling umalis ay ang kanilang head scriptwriter.

“Nawawalan na kasi ng saysay ang talent nila dahil sa pakikialam ng bida sa serye, kung ano ang gusto niyang mangyari, kahit pa napakaimposible na, e, ‘yun ang kailangang masunod!

“E, ‘di mag-show na lang siyang mag-isa, ‘di ba?” napapailing na kuwento ng aming source.

Claudine nilampasan si Marjorie sa pangungutang kay mayor?

DELIKADO ang pinakawalang pahayag ni Gretchen Barretto na idedemanda ng kanyang kapatid na si Claudine ang dating mayor ng Caloocan City na si Recom Echiverri dahil sa pangmomolestiya.

Ang dating mayor ang karelasyon ni Marjorie, ang sinasabi ni Gretchen na powerful boyfriend ng kanyang kapatid in a bad way, dahil si Atong Ang naman ang sinabi nitong powerful man in a good way.

Ang tanong, kailan naman kaya naganap ang tangkang pangmomolestiya ng dating mayor kay Claudine, tangka lang ba ‘yun o totoong ginawa?

Marahas ang naturang bintang, kailangang may sapat na ebidensiya sina Gretchen at Claudine tungkol sa mapanirang kuwento, dahil kung wala ay para lang silang nagsalita sa hangin.

Kuwento ng isang source, “Nangutang daw kasi si Claudine du’n sa mayor, sa kotse raw sila nag-usap, ibinigay raw naman ng mayor ang kailangan niya, pero parang nag-take advantage sa kanya ‘yung mayor!

“Una, bakit dumiretso siya kay mayor, e, kapatid niya si Marjorie, ang karelasyon nu’ng inutangan niya? Ibig bang sabihin, e, nilampasan niya ang kapatid niya sa pangungutang du’n kay mayor?” kuwento ng aming impormante.

Tanong naman ng marami ay bakit ngayon lang ito lumitaw, samantalang ilang taon na pala ang nakararaan nang maganap daw ‘yun, dahil lang kaya ‘yun sa pagpapatutsadahan ng magkapatid tungkol sa kanilang mga karelasyong powerful?