Kilalanin: 14 celeb na kumapit sa prostitusyon bago sumikat

Ilan lang siguro ang nakakaalam, pero may mga tiniti­ngalang international stars na minsan sa kanilang buhay ay naging mga stripper o naghuhubad sa entablado!

Nangunguna na riyan si Channing Tatum na kumapit noon sa prostitusyon para kumita ng pera.

Ang American rapper na si Cardi B, 18-anyos nang magsimulang maging exotic dancer. Ngayon, blooming ang kanyang music career.

Bago naman naging award-winning singer si Lady Gaga, naging burlesque dancer ito sa Lower East Side sa Manhattan dahil mababa ang kita sa pagwi-waitress.

Nagbiro naman noon sa interbyu ng Buzzfeed si ‘Starlord’ ng Avengers na si Chris Pratt na since mas kumporta­ble siyang laging nakahubad, naisipan na rin niyang pagkakitaan ang kanyang katawan.

Nagsimula rin sa paghuhubad sa mga club ang “hottest dad” ng “Riverdale” na si Mark Consuelos.

Naging stripper naman sa kilalang King of Diamonds club sa Miami ang reality star na si Blac Chyna.

Hindi mo naman aakalaing maging si Brad Pitt ay sumabak din sa paghuhubad noong college days niya nang maging bahagi siya ng all-male club na “Dancing Bares,” na nagsasayaw sa mga birthday ng mga babaeng estudyante.
Bago naman ang kanyang Baywatch fame, naging stripper din si Carmen Electra noong ‘90s.

“Best days of her life” naman ang tingin ni model Amber Rose sa stripper days niya noong 15 years old siya. Ambata ah!

Stripper din noong college si Jersey Shore star Mike “The Situation” Sorrentino na nagpakita pa ng kanyang “galaw” sa isang episode ng MTV show.
Dalawang taon bago naman naging tanyag, nagsayaw sa Bronx strip club si Eve kung saan niya nakilala si Mase, na tumulong sa kanya na magkaroon ng music career.

Para naman matustusan ang kanyang pagkalulong sa droga, tumuloy sa prostitution si Ramones singer Dee Dee Ramone.

Sinubukan din ni Azealia Banks na maghubad bago lumabas ang debut single niyang “212.”

Inamin din ni Roseanne Barr na naging prostitute siya para kumita ng pera pero hindi niya ito ikinahihiya at naniniwala siyang dapat isa-legal ang prostitution.