Muling pinulutan sa social media ang ‘ari’ ng politician/actor na si Richard ‘Goma’ Gomez na ipinasilip nito sa Manila Art 2019.
Sa Facebook post ng netizen na si Jayvee Araneta, game na nag-posing si Goma kasama ang isang babae sa harap ng painting nito na hugis ari ng lalaki, may kasama pang tila tilamsik sa dulo ng ari.
Noong 2018 ay nagpinta rin ang Ormoc, Leyte Mayor ng halos kapareho ng nasabing painting na nabili ng P196,000.
Marami ang nag-react sa nasabing painting ni Goma, ang iba ay tila kinuwestiyon kung ‘art’ pa ba itong maituturing.
“Hahaha parang naalala ko ung mga obra namin ng mga kaklase ko nung grade 2 kami sa cr ng school namin,” ayon kay Keenan Ceballos.
“Epektib napansin na naman sya ng mga tao haha gagaling tlga ng mga artista,” sey naman ni Jake Anthony Eucos.
Samantalang may iilan naman na nagtanggol kay Goma at sinasabing walang mali sa pagpinta ng parte ng katawan ng lalaki.
RP