Kilikili ni Atayde bet ipaamoy kay Maine

Nagkaroon ng solo presscon si Arjo Atayde kahapon bilang isa sa ambassadors ng Beutederm.

Kaaliw ang naging Q&A with Arjo dahil natanong kung naamoy na ba ng girlfriend niyang si Maine Mendoza ang kili-kili niya since kasama nga sa ine-endorse niya ang Brawn Anti-perspirant White Spray for both foot and underarms.

Hindi kaagad nakasagot si Arjo at ang nasambit na lang ay basta raw last year pa siya gumagamit ng Brawn deodorant. ­Tawanan.

Natanong din kung ano ang mas gusto ­niyang ipaamoy kay Maine – ­kilikili o paa – at sagot ng aktor, kili-kili na lang daw. Tawanan ulit.

Confident naman siya kung maamoy ni Maine ang kilikili at paa niya?

“Opo. Very (confident),” sagot ng aktor.

Arjo saksi sa pagbuhos ng tubig ni Coco

Samantala, sa seryosohang usapan naman after ng Q&A ay isa sa naitanong kay Arjo ang tungkol sa issue ngayon kay Coco Martin na “buhusan ng tubig” sa set ng FPJ’s Ang Probinsyano since naging part ang aktor ng naturang serye.

Umamin naman agad si Arjo na naroroon siya nang time na mangyari ‘yun pero aniya ay katuwaan lang ­naman ‘yun.

“It’s for fun, so I don’t get the issue,” he said.
Kasama ba siya sa nabuhusan ng tubig?

“Hindi naman po ako kasama but I witnessed it. It’s for fun,” sey niya.
Hindi naman naging big deal sa mga nabuhusang staff ang nangyari?

“No, because these were people he’s been working with for years. Kung ano ‘yung team ni Coco from Juan dela Cruz, binuhat niya all the way to Probinsyano. So they already have a certain working relationship that everyone who went to Probinsyano can attest to it.

“I don’t wanna have issues with anyone, you know but I’m just saying, I’ve witnessed it and I’m speaking of what I actually experienced, it’s for fun, it’s nothing, it’s a joke,” paglilinaw pa ni Arjo.

Aquino nanghinayang kay Angelica

Kung si Angelica Pa­nganiban ay nagbigay na ng pahayag noon pa na ayaw niya munang makatrabaho si Carlo Aquino, ang aktor naman ay willing naman daw pero worried lang siya na magkaroon ng mga violent ­reactions.

“Hindi ko pa alam kung gugustuhin nila ‘yun or may mga violent reactions pero sa tingin ko ay okay naman, pero hindi pa siguro sa nga­yon,” sabi ni Carlo ­kahapon sa launching ng Spruce & Dash na pinakabagong produkto ng Beautederm.

Nabanggit ng Pre­sident and CEO ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan na nai-consider na rin niyang kunin si ­Angelica bilang endorser pero hindi nga lang daw ito pumuwede that time.

Inamin nga rin ni Rhea na sa lahat ng naging leading ladies ni Carlo ay si Angelica talaga ang pinaka-favo­rite niya dahil ang tambalan daw ng ­dalawa ang kanyang ­nakagisnan.

Wala namang problema kay ­Carlo na magkasama sila sa Beautederm ni Angelica bilang mga endorser at okay din sa kanya na makasama ito sa mga mall tours and promo tour.

When asked kung kumusta na ang kanilang relasyon ngayon, ayon kay Carlo ay civil naman. Nagkikita naman daw sila minsan sa mga events at ‘hi-hello’ naman daw sila.

Of course, hindi naman kaila sa lahat ang naging misunderstanding nila ni Angelica pero alam din naman ng lahat na ang aktres talaga ang sumama ang loob kay Carlo.

Pero ani Aktor, sa side naman niya ay wala naman daw siyang galit or anything kay Angelica.

“Kasi, matagal na rin naman kaming magkakakilala, eh, so okay lang naman,’ sey ng aktor.

When asked kung gusto niya pa bang mabalik ang friendship nila ni Angelica, sagot niya, “oo, kasi ­sayang, eh, ‘di ba? ­Totoong tao rin naman si Angge, mabait. So, kahit ‘yung ­friendship.”

Samantala, ang Spruce & Dash ng Beautéderm ay isang patented line of amazing products na dinivelop at nilikha para sa mga kalalakihan.

Lahat ng mga produkto sa ilalim ng Spruce & Dash men’s line ay FDA Notified at kinabibila­ngan ito ng limang essential products na kailangan ng mga kalalakihan para sa kanilang pang-araw-araw na grooming. Nilkha ni Tan ang pangalan ng koleksyob base sa basic na kahulugan ng spruce bilang “neat in dress or appearance” at dash bilang “impetuous with flambo­yant vigor and confidence.”