Nag-post si Yen Santos sa kanyang IG account ng kanyang photos na litaw ang kilikili.

May caption itong “it’s your lucky day!”

Maraming netizen ang na-amuse sa kanyang picture kasama na ang dating leading man sa teleseryeng “Halik” na si Jericho Rosales.

Meron din namang nag-ampalaya at sinabing ginagawa raw ito ni Yen para pabulaanan ang napabalita noong maitim ang kilikili nito.

Hindi rin nakaligtas sa mga netizen ang naging komento ni Echo na nag-like sa kanyang post na: “Dahil nagdeodorant ka? Sabi ng panga?”

Sey ng ilang mga netizen, sundot daw ito ni Echo na nagpapatunay na na-miss niya ang Kapamilya actress.

Matatandaang pinag-usapan ang kanilang teleserye noon dahil sa kanilang passionate scenes. (Archie Liao)