Killer instinct?

horses-in-box Andy Sevilla

Sa tingin natin mula sa panalo ni Sen. Manny Pacquiao kay Jessie Vargas noong Linggo ay lalo pang manggigigil itong lumaban sa mga darating pang panahon.

Naroon pa rin ang power punches ni Pacman pati dating galaw nito. Ang napansin lang natin ay ang kawalan na niya ng killer instinct para magpabagsak ng kalaban.

Matindi si Vargas pero sa tingin natin ay mas mabagal ito sa nakalaban niyang si Algieri.

Pero ano ang makukuha pa natin sa Pambansang Kamao ganu’ng nasa edad na ito ng 37?

***

Isang malaking karera ang nakalawit ni Dewey Boulevard sa 2016 Philracom Grand Derby noong Linggo sa MetroTurf sa Malvar, Batangas.

Nagpraktis lang itong 3-year-old colt sa pagkuha ng top prize na P600,000 laban sa dalawang outclassed na kalaban.

Nasegundo si Pinagtipunan na nakakuha ng runner-up prize P225,000, tersero si Tapped It na nakapulot ng P125,000.

***

Ibang klase ang ­kakayanan ng Hall of Fame trainer tulad ni Bob ­Baffert.

Nang binigyan siya ng Juddmonte Farms ni Prince Khalid Abdullah ng mga kabayo para pala­kasin ang operasyon sa West Coast, binigyan niya ng pansin ay si Arrogate na nabili ng $560,000 sa Keeneland September yearling sale.

“I remember calling (Juddmonte manager) Garrett (O’Rourke) around October. I said, ‘Garrett, I think I’ve found one that’s going to pay for all of them.’ I said, ‘I think we’ve stumbled onto a really good horse. He always showed run, but we never let him go in the mornings. We never let him run. He’s a big horse. He came around on his own.”

Ang tinitignan ngayon ay kung maglalaban uli sila ni California Chrome sa inaugural edition ng $12-million Pegasus World Cup sa Enero 28 sa Gulfstream Park.

Inaasahan ang pagsali ni California Chrome doon pero hindi pa malaman kung sino ang puwedeng magbigay kay Arrogate ng puwesto doon dahil hindi sila nakabili ng spot sa event na nagkakahalaga ng $1-million.