Mistulang nasagad ang tapang ng dalawang binatilyo na walang takot na namaril at nakapatay sa mataong lugar sa Quezon City kamakalawa ng gabi.
Gamit ang pen gun ay napabulagta ng dalawang menor-de-edad ang barker na si Joselito Pasco y Pulga alyas ‘Itoy’, naninirahan sa No. 3287, E. Jacinto St., Pagasa, Brgy. 175, Camarin, Caloocan City.
Lumilitaw sa imbestigasyon na nangyari ang krimen dakong alas-9: 30 ng gabi sa kanto ng Quirino Highway at Maligaya Park Drive, Brgy. Pasong Putik, Novaliches, Quezon City kung saan nagkalat ang mga tao dahil nagsisilbi itong terminal ng mga pampasaherong mga jeepney, UV Express at bus.
Bago umano ang pamamaril ay sinasabing nagtatawag ng mga pasahero ang biktima nang lapitan umano ito ng mga suspek at barilin ng isa sa dalawang salarin.
Sa salaysay naman sa pulisya ng isang Rey Cafe, isa ring barker, nagtatawag din umano siya ng mga pasahero nang marinig ang malakas na putok ng baril.
Nang tingnan ang pinagmulan ng putok ay nakita umano niya ang biktima na duguang tumatakbo patungo sa kanyang kinaroroonan subalit hindi na ito umabot dahil nalugmok na sa semento.
Dahil dito ay mabilis na isinugod ang biktima sa hospital subalit hindi narin ito umabot ng buhay.
Mabilis naman nagsagawa ng follow-up operation ang mga operatiba ng QCPD Police Station 5 at tinugis ang papatakas na mga suspek hanggang sa maabutan si alyas ‘Luis’, grade 9 student, at nakatira sa Barangay 177, Caloocan City samantalang matagumpay namang nakatakas ang kasama nito na si alyas ‘Jayson’.
Narekober sa crime scene ang isang pen gun na may loaded na bala ng caliber. 9mm na baril.
WAG NYO IKUKULONG YAN ….UNDER AGE PA….MAGAGALIT SI KIKONG MATSING….HAHAHA