‘IT’ KILLER SA TAKILYA

RECORD-BREAKING ang opening ng supernatural horror movie na It last weekend sa North America.

Tinatayang $117 ang hinamig nito last weekend — largest September opening, lar­gest Fall opening, largest opening for an R-rated horror film, largest opening weekend for a horror film of any MPAA rating.

Halos $110M ang lamang nito sa bagong release ding Home Again, na pumangalawa sa takilya.

Ang opening weekend record for an R-RATED HORROR film ay hawak dati ng Paranormal Activity 3, na $52.5M ang opening weekend gross.

Nakamit din nito ang second largest opening for an R-RATED movie.

Ang may hawak ng record na iyon ay ang Deadpool, na $132.4M ang opening noong Pebrero.

Ang previous opening weekend record para sa SEPTEMBER ay hawak dati ng Hotel Transylvania 2, na $48.5M ang opening.

Ang previous FALL opening weekend record ay hawak naman dati ng Gravity, na $55.7M ang debut.

Take note na dahil Hurricane Irma, 175 sinehan sa Florida ang nagsara last weekend.
Otherwise, mas mataas pa sana ang opening weekend gross ng It.

Sa international market ay tinatayang naka-$62M ang It, kaya bale $179M ang worldwide debut nito.

Nagtala ito ng “largest opening weekend for a horror film” sa UK ($12.3M), Russia ($6.7M), Australia ($5.9M), Brazil ($5.6M), Netherlands ($1.4M) at Poland ($1.15M).

Ang production budget ng It ay $35M.
Tampok sa It si Bill Skarsgard bilang Pennywise the Dancing Clown.

Base ito sa 1986 novel ni Stephen King na kapareho ang pamagat.