KILLER ZIPLINE

Kamatayan ang sinapit ng isang piloto at pasahero ng isang 4-seater Cessna plane na nag-crash matapos na sumabit sa isang zipline malapit sa isang resort sa Ilocos Sur kagabi.

Ang dalawang sakay ng Cessna plane ay kinilalang sina John Kaisan Estabillo, piloto at Paula Bianca Robles, pasahero.

Sa inisyal na ulat, nagulat na lamang ang mga residente sa tabing-dagat sa baybaying malapit sa Santiago, Ilocos Sur dahil sa mababang lipad ng nasabing eroplano at ilang segundo lamang ay nakitang sumabit ang pakpak nito sa zipline ng Vitalis resort na siyang sanhi ng pagbasak nito.

Ayon kay Filipino Panilo, officer-in-charge ng CAAP-Vigan Airport ang Cessna plane ay pag-aari ng Leading Edge International Aviation na may tail number na RP-C 7838 na nakabase sa San Fernando, La Union ay nanggaling sa airport sa Vigan City.

Nabatid na na bandang pasado alas -3:00 ng hapon nang mag-touch and go ang eroplano kung saan hindi na nakita pa ang dalawang sakay.

Napag- alaman na umaabot sa may 700 metro ang lamin ng pinaglubugan sa tubig ng eroplano.

Sa ngayon ay puspusan ang isinasagawang search and rescue operation sa dalawang sakay ng eroplano.