Punung-puno ng puso ang ASAP ngayong Linggo dahil makikisaya ang mga bida ng Loving In Tandem na sina Kisses Delavin, Marco Gallo, Edward Barber & Maymay Entrata, at ng Love You to the Stars and Back na sina Joshua Garcia & Julia Barretto.

Kasabay ng nalalapit na pagdiriwang ng Grandparents Day, bibida sa ASAP LSS ang mga nakaka-inspire na kuwento tungkol sa mga lolo at lola kasama sina Jaya, Lilet, Kris Lawrence, Joshua Oliveros, Pilita Corrales at Jolina Magdangal.

Sasali rin sa kasiyahan ang Birit Queens na sina Klarisse de Guzman, Morissette Amon at Angeline Quinto pati na ang The Voice Teens finalists na sina Isabela Vinzon, Mica Becerro, at grand winner na si Jona Marie Soquite.

Joshua at Julia
Joshua at Julia

Aalab ang ASAP stage sa matin­ding sayawan nina Rayver Cruz, Bela Padilla, Zeus Collins, AJ Muhlach, Mark Neumann at Kim Chiu.

Musika ng Michael Learns to Rock ang handog nina Yeng Constantino, Erik Santos, Jovit Baldivino, Bituin Escalante, Frenchie Dy at Mitoy Yonting.

***

BALIKAN ang pagdalo ng La Luna Sangre stars na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa comic book at pop culture event sa bansa sa Matanglawin ngayong Linggo ng 9:45 AM sa ABS-CBN.

Samahan ang host na si Kim Atienza sa pagli­bot sa AsiaPop Comic Con kung saan nakita ng mga Pinoy ang mga kakaiba at espesyal na vinyl toy, action figure, at cosplayers, pati mga bida ng ilang patok na programa dito at sa ibang bansa kabilang ang La Luna Sangre.

Sasalubungin ng Matanglawin ang Kapaskuhan kasama sina Bailey May, Ylona Garcia, Vhong Navarro, Cora Waddel, Karel Marquez at Daniel Matsunaga sa pamamagitan ng ‘Matanglawin Challenge’ laban kina Mr. & Mrs. Santa Claus.

***

Ian at Bea
Ian at Bea

Anong uri ng pag-ibig ba ang tatagal habambuhay?

Ito rin kaya ang pag-ibig na mayroon sina Anton at Andeng?

Susubukin ang TonDeng sa pag­dagsa ng matitinding pagsubok sa kanilang relasyon at pamilya sa teleser­yeng A Love to Last.

Namumulat si Andeng (Bea Alonzo) sa katotohanang ang pag-ibig ay hindi parang fairtytale.

Ito ay puno ng hirap at hamon.

Nariyan ang panggugulo ni Grace (Iza Calzado) sa kanila ni Anton (Ian Veneracion), na nadagdagan ng pagkakabuntis ni Andrew (Enchong Dee) kay Bianca (Kazel Kinouchi) at pagka-stroke ni Mame (Perla Bautista).

Nagpakatatag si Andeng at kumapit sa pagmamahalan nila ni Anton.

Ngunit tila napuno siya nang mag­desisyon si Anton na bayaran ang pang-ospital ni Mame at magbigay ng tulong pinansyal kay Andrew.

Nag-away ang mag-asawa.

Ito na ba ang simula ng pagkasira ng dalawa?

Pipilitin pa kaya ni Andeng na hara­pin ang mga problema dahil sa pagmamahal niya sa kanyang asawa?

Ano ang hakbang ni Anton para manatili sa kanya si Andeng?

Samantala, inaanyayahan ng cast ng teleserye ang lahat na makisaya sa kanila sa Love Goals: A Love to Last Concert na gaganapin sa Setyembre 8, Biyernes, 8:00 PM sa Kia Theater, Araneta Center, Cubao, QC.

Para sa tickets, maaa­ring bumili online sa www.ticketnet.com.ph o tawagan ang hotline na 911-55-55.

Huwag palalampasin ang A Love to Last, Lunes hanggang Bi­yernes, pagkatapos ng La Luna Sangre, sa Primetime Bida ng ABS-CBN.