Alam na alam ni Kim Domingo ang nararanasan ng mga ume-extra sa pelikula. Naging extra rin kasi noon dahil pangarap niyang maging isang sikat na artista.

Kaya naka-relate si Kim sa post ng isang nagngangalang Efren Mark Cinco­ na isang extra sa isang TV show.

Naalala niya noong lumalabas rin siyang extra at hinding-hindi niya makakalimutan ang dinanas niyang hirap, pagod, puyat, at gutom nang na­ging extra siya.

Mababasa sa kanyang Instagram account na @therealkimdomingo, “I just saw this on facebook at hindi ko mapigilang hindi irepost dahil Totoo ito. Napakahirap ng buhay ng isang Talent. Hindi ko makakalimutan nung mga panahon na nagtatalent pako highschool days ko. Mga panahong nangangara­p pa lamang akong maging Artista. Inet, pagod, puyat, gutom halo halo na yung nararamdaman mo. Tas pag kakain ka kahit saan nalang basta may mapwestuhan ka.

Ako nga naexperience ko sa kalsada naglagay lang kaming mga kapwa ko talent ng sapin para may maupuan kami para makakain kami ng kahit papano kumportable. Tapos after kumain mahaba habang oras nanaman aantayin mo kung kailan ka isasalang sa eksena. Yung hindi mo alam ano oras ka makakauwi. Antok na antok kana.

Hahanap ka pwesto para umidlip man lang. Masaya nako noon sa 500 pesos na nauuwi kong tf from 7am to 8am kinabukasan bilang passer by (yung dadaan ka lang sa eksena ) pero aabutin ka ng halos 24 oras sa taping tapos yung tf ko na 500 kung minsan bibili ko ng damit or shoes para may magamit ako sa next taping pag tinawagan ako ulit at madalas naman bigay sa magulang pangdagdag pambili ng mga pangangaila­ngan namin noon ng pamilya ko.

Madaming rason kung bat nagta­talent ang isang tao. Yung iba gusto nila madiscover dahil pangarap nila mag artista yung iba gusto lang talaga kumita ng pera, at kung ano ano pang rason. Pero ako noon dalawang dahilan. Dahil gusto ko madiscover dahil pangarap kona talaga mag artista bata pa lamang ako , at sympre ang kumita ng pera para matulungan ang magulang at sarili. Ngayon masaya ko, dahil ang dalawang dahilan na yon ay natupad na at sobra sobra pa sa hinangad ko. Kaya everytime makakakita ako ng mga talent palagi ko naaalala na minsan naging katulad din nila ko .Nakikita ko sarili ko sakanila noon. Kaya sa mga nagtatalent dyan kung gusto nyo ginagawa nyo ipagpatuloy nyo. Tyaga at tiis lang dadaloy din ang ginhawa.

At wag mawawalan ng pag-asa kung para sa pangarap laban ! kung para kumita ng pera laban ! At wag makakalimot sa nasa itaas at kung saan ka nagmula .Hindi biro ang ginagawa nyo at wala kayong dapat ikahiya dyan .saludo ako sa inyo.”

Laking pasalamat din ni Kim sa GMA 7 dahil isinama siya sa ‘Bubble Gang’ na napapanood every Friday. Kahit ano raw ang mangyari ay hinding-hindi niya lalayasan ang longest running gag show sa telebisyon, maliban na lang daw kung ayaw na sa kanya ng network. (Gerry Ocampo)