tonite-annyeong-rose-garciaMay bagong young couple ngayon sa South Korea. Ito’y sina Kim Bo Ra at Jo Byeong Gyu na magkasama sa successful K-drama na “Sky Castle.” Bagama’t hindi sila ang may love interest sa naturang serye pero na-develop sila off-cam?

Si Kim Bo Ra ay kilalang dating child actress. 2005 siya nagsimula.

Si Byeong Gyu naman ay pumalaot sa showbiz noong 2015.

22 years old si Byeong Gyu at 23 naman si Bo Ra.

Noong February 21, ini-report ng “The Fact” na may romantic relationship nga sina Bo Ra at Byeong Gyu. May back-up pa na larawan ng dalawa na nakuhanan ng paparazzi sa isang late night date.
Hindi naman ito itinanggi ng parehong agency nina Bo Ra at Byeong Gyu. Nagtugma ang parehong statement ng dalawang agency.

Ayon sa agency ng aktres, ang Moment Entertainment, “After checking with Kim Bo Ra, we learned that she began dating Jo Byeong Gyu at the beginning of this month.”

Gayundin ang kumpirmasyon ng agency ni Jo Byeong Gyu na HB Entertainment. Pahayag ng mga ito, “He began dating Kim Bo Ra at the beginning of February.”

Positibo naman ang komento ng netizens na nabasa namin. Ilan sa mga ito ay tinitingnan sila as cute couple. May nagsabi rin na gusto raw nilang talaga ang mga couple na galing sa drama.

Pero may ilan din na nag-aalala na dahil bago pa lang ang relasyon nila, nalantad na sa publiko. Sana raw ay magtagal ito dahil wala na agad privacy.