Isa pang South Korean actor ang mag-e-enlist sa military ngayong April. Sa April 26 nakatakdang pumasok sa mandatory military service si Kim Bum.
Pero mag-e-enlist siya bilang isang public service worker. Hindi raw ito makakapag-enlist bilang active duty soldier dahil sa kanyang hereditary illness.
Nang tanungin naman ng OSEN ang kanyang management company, ang King Kong by Starship, hindi sinagot ng mga ito ang saktong sakit ni Kim Bum para maging hadlang sa pagiging active duty soldier niya.
Ayon sa mga ito, personal na raw yun ng actor.
“We cannot reveal what the hereditary illness is exactly because it’s his private issue.”
Sa pahayag din ng Starship, nakasaad din sa statement nila na, “Because of his health issues, Kim Bum has been assigned to a public social worker position. After completing basic training, he will serve as a social worker for about 2 years. To respect his decision, his place of admission and schedule will be kept private.”
Sa isang banda, lumabas naman sa koreaboo.com., ang sakit daw ni Kim Bum ay degenerative arthritis. Early 20’s pa lang daw nito ay na-diagnosed na ng naturang sakit na masasabing hereditary illness. At simula noon, naggamot na si Kim Bum. Kapansin-pansin din daw ang malaking ibinawas ng timbang nito dahil daw siguro sa ginagawang medical treatment sa sakit niya.
Sabi pa sa report, “He has tried to overcome the illness through medication and exercising.”
Eh, nagkaroon pa ng car accident si Kim Bum noong 2009 kunsaan, nag-suffer siya ng minor injuries at posibleng isa rin daw ito sa nag-trigger sa sakit niya.
Yun nga lang, may ilang SoKor netizen ang nakapansin na bakit daw yata tuwing may male celebrities na mag-e-enlist, madalas ay lumalabas na may sakit ito o physically incapable to perform active duty.
Isa nga si Kim Bum sa nakatanggap ng ganitong kritisismo. Ayon sa comment, “Why are all celebrities considered disabled when it comes to military enlistment? Male celebrities with good bodies are like hawks but they all end up serving as public service workers. All male celebrities have some disease or illness. What a coincidence.”
Si Kim Bum ay unang nakilala sa K-drama na Boys Over Flowers at bago ang announcement ng enlistment niya, kinumpirma naman ang relasyon niya sa South Korean actress at female lead ng “Hwayugi” na si Oh Yeon Seo.