Kim Chiu, puwede nang mag-concert sa Araneta

Kim Chiu

SAKSI kami kung paanong dinumog ng fans ang sold out Touch Of Your Love album launch ni Kim Chiu sa SM Skydome noong Thursday ng gabi.

Umaga pa lang, nakapila na ang mga admin ng fan groups ni Kim sa venue. Naniniguro na makuha nila ang magandang seats.

Alas sais ng gabi, nagsimula nang magpapasok sa venue. Nakita namin ang mahabang pila ng fans. Nang nasa loob na ng venue, hindi na magkahiwayan ang mga fans ni Kim.

Pasado alas-siyete ng gabi nagsimula ang show. Sina Leo Consul at ang duo nina Mico and and Gab na pawang mga Star Music artists ang nag-start. Present ang buong pamilya ni Kim. Ang tatay, kapatid ang mga pamangkin.

Hindi nagpahuli ang mga fans ng loveteam ni Kim – ang Kimerald at KimXi. Parehong may VTR messages sina Gerald at Xian na ikinakilig ng mga fans. Malaki as in iba na ang stage presence ni Kim, a real performer. Dama ko yung confidence niya as a performer.

Hiyawan ang fans sa prod number nina Kim at Kisses, na mahusay din palang magdala ng audience and the girl can really perform. Si Alco Guerrero ang director ng show.

Nakita namin sa venue si Star Music Head Roxy Liquigan, Ikaw Lang Ang Iibigin co star Grae Fernandez, broadcaster Jorge Carino and wide Daisy Carino, Ms. Aileen Choi-Go, Eleina dela Vega at ang production staff ng Ikaw Lang Ang Iibigin.

Dahil sa sold out ang event, hindi na kami masu-surprise kung ang next concert ni Kim ay maganap sa isang mas malaking venue like Music Museum or Kia Theater o di kaya’y Araneta Coliseum.

Masayang-masaya kami kay Kim dahil sa tagumpay ng concert niya, at ng music career nya.

Malou Santos at Johnny Manahan, pararangalan sa Star Magic Ball

NGAYONG gabi na ang 11th Star Magic Ball na gaganapin sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La Hotel. Invited ang inyong lingkod sa event but due to lack of preparations, we decided not to attend. Aabangan na lang namin ang mga kaganapan sa social media.

Ang Star Magic Ball ay ang isa sa pinakaaabangang showbiz event ng taon. Nagsasama-sama dito ang mga Kapamilya stars dressed in their most glamorous. Ito rin ang season na nangangarag ang mga fashion designers at makeup artists.

Imagine, ilang artista ang magpapagawa ng gowns and suits. At ilang artists ang gagawin nilang make up.

Ang Star Magic Ball ay hindi po exclusive sa Star Magic artists. Sa katunayan, may mga non- Star Magic artists na invited sa event na ito. May mga Viva artists, GMA artists and former Kapamilya stars.

This year, black and white ang color theme ng event. Ang balita namin, iu-honor ngayong gabi ang dalawang Kapamilya icons – Sina Johnny Manahan at Malou Santos ng Star Cinema.

Taun-taon din ang may kontrobersyang nagaganap sa event na ito. May iba na lumalabas sa news at may iba na hindi na. Maraming eksena ang mga Kapamilya stars. Pabonggahan ng dresses at suits.

May live streaming ang Star Magic Ball sa Lifestyle Channel ng Sky Cable. Dito mapapanood ang Red Carpet walk. Ang kaibigan naming direktor na si Pinggoy Generoso ang magdidirek ng red carpet walk.

Mag-aabang kami ng mga magaganap sa star-studded ABS-CBN event na ito.