Kim Domingo, naasar kay Agatha

Kim Domingo

IMBES na matuwa na effective ang pagganap niya bilang kontrabida sa Kapuso primetime series na Juan Happy Love Story, naiinis din ang Kapuso sexy actress na si Kim Domingo sa kanyang character bilang Agatha.

Nagkagusto si Agatha kay Juan (Dennis Trillo) at sinira ang marriage nito kay Happy (Heart Eva­ngelista-Escudero).

Hindi na niya mabilang ang dami ng kanyang haters sa social media.
Takot na raw ang na­raramdaman niya kapag lumalabas ng bahay.

However, tinitingnan pa rin daw ito ni Kim bilang positibong bagay dahil nakikita niya na na-a-appreciate ng mga tao ang kanyang pag-arte.

Sey ni Kim Domingo, “Ako personally, naaasar ako sa cha­racter ko na si Agatha dahil marami rin naiinis sa akin.

“Kapag nga minsan, natatakot na nga ako lumabas. Like ‘pag naglalakad ako sa mall, baka mamaya may suma­bunot na lang ng buhok ko.

“Pero somehow, nakikita ko siyang positive feedback ng tao.

“Kasi, ibig sabihin, effective ‘yung pagi­ging kontrabida ko.”