Isang napakagandang regalo ang natanggap ni Kim Chiu mula sa kanyang nakababatang kapatid na si John Paul Chiu nitong bago mag-Pasko. Isa nang ganap na commercial pilot ang binata who recently passed his commercial flight test sa Canada.

Ini-repost ni Kim ang congratulatory message ng school ni John sa Canada na nagsasaad ng “Congratulations to John Paul Chiu for passing his Commercial Flight Test. Definitely worth two thumbs up and a relax in his favorite chair. Now on to the MIFR in the new year and the end of his flight training is insight.”

Sa caption ay naging emosyonal si Kim sa sobrang saya at sey nga niya ay umiiyak siya habang tinitipa ang kanyang post.

“WHAT A WAY TO END THIS YEAR!!!!! literally with a bang!!! Woke up with a good news!! ALL IN HIS NAME!!! salamat papa jesus!!!

“After all the hard work and patience this is it john!!!” ang simula ng caption ni Kim.

Pinasalamatan niya ang kapatid for not giving up sa pag-aaral kahit na nga ba napakahirap na malayo sa pamilya. Aniya, sigurado ring masaya sa langit ang kanilang ina dahil natupad nito ang pangarap.

“Thank you for not giving up and thank you for fulfilling your promise to me and most especially Thank you for not failing my trust in you!

“Literally crying while typing this!!! Makahilak pud tag bato ani!!! Nahuman na jud!!!!

“Congratulations captain john!!! Your greatest dream has turned into reality now through hardwork, proper motivation, and perseverance!

“Being far is difficult, tears over the phone but you made it!!! Never been this proud john!!! Congrats!!!! im sure mama is smiling now in heaven and is super proud of you! #proudatemoment,” ang pahayag pa ni Kim.

Sa post naman ni John Paul ay pinasalamatan din niya ang kanyang ate Kim at iba pa niyang kapatid na aniya ay naging motivation niya since day 1. Inialay din niya ang kanyang tagumpay sa kanilang namayapang ina.

Matatandaang nagtapos ng pagka-piloto sa Canada ang kapatid ni Kim last year and during those years na nag-aaral ito hangggang sa maka-graduate ay panay rin ang pagsi-share ng aktres ng mga achievement ng kapatid.

Last September ay ipinost din ni Kim sa kanyang YouTube vlog ang pagbisita niya kay John Paul sa Canada at ang pagsakay niya sa eroplano na ang kapatid ang nagmamaneho.

Tattoo sa binti ni Ion tanda ng pagmamahal kay Vice

Wish ni Ion Perez ngayong Kapaskuhan na makasama na niya habambuhay ang dyowang si Vice Ganda. Binanggit niya ito sa episode ng “It’s Showtime” at sey niya, kahit matanda na raw ang komedyante ay bubuhatin niya kung kinakailangan para ipasyal kung saan nito gusto.

Sabi naman ni Vice, “I don’t mind getting old because I have someone to get old with.”

Ang wish naman ni Vice ay to stay happy together with Ion.

Nakakatuwa rin ‘yung ipinakita ni Ion on national television na nagpalagay pala siya ng tattoo sa kanyang binti na birthday ni Vice Ganda ang nakalagay, pati na rin ang kaarawan ng kanyang ina at ama.

Ito raw ang tatlong taong mahahalaga sa kanyang buhay.

Siyempre, kilig na kilig naman si Vice sa pagka-sweet ng kanyang dyowa at feeling niya ay ang haba-haba ng kanyang hair.

Pero sobrang na-touch daw siya talaga sa ginawa ni Ion.