Kim Joon inilantad ang asawa’t anak

May asawa at isang anak na ang isa sa gumanap na ‘F4’ sa Korean version ng Meteor Garden na Boys Over Flowers na si Kim Joon. Sa naturang Korean drama kasabay nina Lee Min Ho, Kim Bum at Kim Hyun-joong nagsimulang sumikat at makilala ang apat na South Korean actors.

Ngayon lang umamin si Kim Joon na siyang gumanap sa papel ni Song Woo-bin sa BOF na may asawa at anak na ito. Noong 2015 pa pala ikinasal si Woo-bin sa long-time non-showbiz girlfriend niya.

Naitago ito ng actor/rapper sa loob ng tatlong taon at hindi talaga naging isyu. Kaya magaling magtago si Joon.

Inamin lang nito ang totoong status nang mag-guest sa Ilgan Sports na may tatlong taon na nga siyang kasal at may isa na silang anak.

Siyempre pa, nagulat talaga ang mga tagahanga niya.

Ayon kay Kim Joon, “I got married 3 years ago. Only the people around me knew about it since there were no articles about my wedding. I first met my wife 9 years ago, before I made my debut. Now, I am also a father to a child.”

Taong 2007 nang mag-debut si Joon bilang isang singer sa boyband na T-Max bilang rapper at songwriter. Taong 2009 naman nang gawin niya ang Boys Over Flowers na kunsaan, karamihan sa mga kanta sa ini-release nilang soundtrack ay komposisyon niya. Ilan sa mga ito ay ang ‘Paradise,’ ‘Say Yes’ at ‘Bang Bang Boom.’

Ang huling Korean drama na ginawa ni Joon ay ang Endless Love noong 2014 at City of the Sun noong 2015. Nakapag-enlist na rin siya sa military noong 2011-2013 at saka niya nakita pa ang ibang kaya niyang gawin.

Nag-enjoy si Joon sa mga stage play niya bilang isang theater actor. At ngayon nga, gusto raw nitong muling maging aktibo sa paggawa ng mga television drama at maipakita pa ang mga kaya pa niyang ibigay sa mga fans.

Aniya, “I made my theater debut as I happened to come across a genre I always wanted to try out by chance. I will continue to meet everyone with various types of work in the future.”

======================

Deberly pampapawi ng uhaw ang alindog

Gustong pumasok sa showbiz si Deberly Bangcore, 19 years old. May sukat siyang 34-25-35. Half Pinay, half Australian.

Ang showbiz crush niya ay si James Reid.

Ang kaseksihan at alindog ni Deberly ay pampapawi ng matinding uhaw ng mga barako.