Golden man na pala ang Guil­lermo Mendoza Memorial Scho­larship Foundation (GMMSF) pero hindi ko pa rin knowing kung sino si Ginoong Guillermo Mendoza, kung ano ang inambag niya sa sining pampelikula, may naitutulong ba talaga ang mga parangal nila para sa ikauunlad ng pelikulang Pilipino at kung anong mga qualifier at quantifier ang kanilang ginagamit na measurements para sa kanilang 50th Box-Office Entertainment Awards.

No brainer naman na igawad nila ang Golden Jury Award para sa “The Hows Of Us” ng Star Cinema na nakapagtala bilang highest grossing film of all time.

Keri na Phenomenal Stars of Philippine Cinema: Daniel Padilla at Kathryn Bernardo (“The Hows Of Us”) at Vice Ganda, pero sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez na hindi naman na nakakatawa sa “Fantastica” isang malaking bakit?
Wala ring problema sa Box-Office Kings: Vic Sotto, Coco Martin (“Jack Em Popoy: The Puliscredibles”) at Box-Office Queen: Maine Mendoza (“Jack Em Popoy: The Puliscredibles”).

Film Actor of the Year: Dennis Trillo, sige na nga pero Film Actress of the Year: Kim Chiu, juice colored! Gusto niyo talagang paniwalain ang balana, dabarkads at madlang pipol na aktres na si Chiu at marunong na talaga siyang umarte? Kailan, saan at paano?

Deserving ang TV Actor of the Year (Primetime Drama): Jericho Rosales pati na rin ang TV Actor of Year (Daytime Drama): Ken Chan.

Hindi rin puwedeng pagdabugan ng bangs sina TV Actress of the Year (Primetime Drama): Yam Concepcion at TV Actress of the Year (Daytime Drama): Glaiza de Castro.

Kahit pa nga cut short ang kanilang primetime drama at hindi masyadong matagumpay sa box-office ang huling pelikula nila, sige na nga, pagbigyan na natin ang Prince of Philippine Movies & Television: Joshua Garcia at Princess of Philippine Movies & Television: Julia Barretto.

Kung titingnan mo ang iba pang mga paparangalan, parang “popularity” choice ang naging pamantayan para ang this and that celebrity ay mabigyan ng parangal.

Kapansin-pansin rin na mas maraming Kapamil­ya kesa sa Kapuso ang mga nagwagi. Hindi talaga puwedeng ikaila na ang Mother Ignacia network ay tunay na number one, hindi lang pang-press release, nararamdaman mo talaga.

Sa mga special awardess, kilala ko si Bert Marcelo at kung bakit si Marian Rivera ang tinanghal na Bert Marcelo Lifetime Achievement awardee, meron naman siguro silang mainam na paliwanag. Para nga lang relatively young pa si Mrs. Jose Sixto Dantes para maging lifetime achievement awardee, just saying.

Ang nag-iisang superstar, si Nora Aunor, tinanghal bilang Corazon Samaniego Lifetime Achievement awardee. Nagbubunyi ang mga Noranian sa bagong parangal na ito para sa People’s National Artist. Ang tanong, na sana may sumagot at mabigyang linaw, the WHO si Ginang Corazon Samaniego?