Sumagot si Kim Kardashian sa ilang puna sa kanyang pinakabagong Kimono shapewear line. Ikinagalit ng ilang mga mamamayan sa Japan ang pag-lunsad ng shapewear brand ni Kim matapos na ipinangalan ng reality star ang brand nitong Kimono Intimates.
“I understand and have deep respect for the significance of the kimono in Japanese culture,” mapagpakumbaba niyang pag-amin.
Diretsahan niyang sinabi na wala siyang plano na maglabas ng disenyo o magpalabas ng anumang mga kasuotan na sa anumang paraan ay makakahawig o malalapastangan ang tradisyunal na damit. Pinangat-wiranan niyang ang pangalan na Kimono, ay tumutukoy bilang pagsang-ayon sa kagandahan at detalye ng isang damit.
“My solutionwear brand is built with inclusi-vity and diversity at its core and I’m incredibly proud of what’s to come,” dagdag pa niya.
Ayon sa mga Japanese, ang nasabing trademark brand ay tila hindi pagrespeto sa traditional clothing ng Japan. Ang Kimono kasi ay national dress ng Japan na isinusuot tuwing may mga espesyal na okasyon mula pa noong 15th Century.
Puna pa ng ilang mga mamamayan ng Japan na ang nasabing clothing brand ay hindi naman kahalintulad ng damit ng Japan.
Ginamit lamang nito ang pangalan dahil may “Kim” ito.
Iginiit ni Kim na noon pang nakaraang taon ay naghain na siya ng trademarks sa “Kimono Body, “Kimono Intimates” at “Kimono World”.
“Finally I can share with you guys this project that I have been developing for the last year. I’ve been passionate about this for 15 years. Kimono is my take on shapewear and solutions for women that actually work,” ayon sa post niya sa kanyang Instagram account.