MAGSASAWA ang mga nagnanasa sa kaseksihan at tambok ng mga Kardashian sa bago nilang ini-endorse na product.
Nagpasilip na ng teaser picture ang reality show star na si Kim Kardashian sa gagawing endorsement nila para sa Calvin Klein underwear.
“Nothing better than working with my family! Honored to be shot alongside my sisters for the new Calvin Klein underwear & Calvin Klein jeans global campaign,” sabi ni Kim.
Sa nasabing photo, naka-panty ang lima na nakahiga sa kama. Kanya-kanya silang emote.
Patikim pa lang ito ng Kardashians na siguradong magpapatalbugan sa kung sino sa kanila ang may pinakamatambok na bulaklak. Siguradong luluwa ang mga mata ng mga nagpapantasya sa kaseksihan ng mga ito lalo at mistulang buffet na nakahain ang ilan sa kinikilalang sexiest female siblings sa buong mundo. Sa Twitter ni Kim ay naka-display rin ang sexy photos niya.
Anyways, kung hubaran din lang naman ang pag-uusapan, nangunguna riyan si Kim na walang ibang ginawa sa kanyang IG wall kundi magpasilip ng kanyang nude pics. Paboritong location ni Kim ng kanyang paghuhubad ay kuwarto at kama.
Parang hobby na ng high-profile celebrity ang magpasilip ng kanyang kaseksihan. Parang hindi kumpleto ang buhay ni Kim kung hindi siya maghuhubad sa harap ng kamera.