LALONG maglala­gablab ang Afternoon Prime ngayong summer sa D’ Originals.

Mahuhulog si Lando (Jestoni Alarcon) sa patibong ni Yvette (Katrina Halili) habang walang kamalay-malay ang kanyang misis na si Josie (Jaclyn Jose).

Mabagsik ang kamandag ng hitad na si Yvette!

Mapupuno na si Marge (LJ Reyes) kay Caloy (Mark Herras). Bukod sa wala nang trabaho, hindi pa ito maasahang magbantay ng anak at mag-asikaso sa bahay.

Babasagin ni Marge ang gitarang pinakamamahal ng musikerong mister.

Mabibigo si Art (Archie Alemania) dahil ‘false alarm’ ang akala niyang pagbubuntis ni Sofia (Kim Domingo).

Sa beach kung nasaan ang sexy photo shoot ng kanyang bagong talent na si Alice (Meg Imperial), magkikita at magkakainitan ang kanyang misis at ang kanyang ex.

Huwag palampasin ang mas tumitinding D’ Originals, Lunes hanggang Biyernes ng 4:15 PM pagkatapos ng Legally Blind sa GMA Afternoon Prime.

***

Katrina Halili
Katrina Halili

Maalab pa rin ang mga ganap sa kabit­seryeng Ika-6 Na Utos.

Hindi pa nauubusan ng gimik si Georgia (Ryza Cenon) para paglayuin sina Emma (Sunshine Dizon) at Rome (Gabby Concepcion).

Hopia si Georgia na sa kanya ang huling halakhak.

Pambansang Kabit ang peg, gano’n?!