ANG Top 10 sa FHM Sexiest 2016 ay sina Jessy Mendiola (589,792 votes), Jennylyn Mercado (502,934), Nadine Lustre (492,905), Angel Locsin (378,293), Rhian Ramos (370,727), Marian Rivera (352,191), Arci Muñoz (324,016), Solenn Heussaff (307,815), Kim Domingo (295,502) at Rachel Anne Daquis (274,817).
Opo! 86,858 boto ang lamang ni Jessy kay Jennylyn!
***
Lima lang sa Top 10 ang rumampa sa FHM Victory Party 2016 sa Valkyrie – sina Jessy, Rhian, Marian, Kim at Rachel Anne.
Waley sina Jennylyn, Nadine, Angel, Arci at Solenn.
***
Hindi kasama sa Top 10 sina Max Collins at Sam Pinto, pero mas may moment sila kesa kina Kim at Rachel Anne.
Tama ba iyon?
Lutang ang flawless na alindog ni Kim kahit hindi siya ininterbyu ng host na si Roxee B.
May impact!
***
Ang FHM 100 Sexiest 2016 ay co-presented ng RRJ, Tanduay at Rogin-E.
Major sponsors nito ang Petron at Okamoto. Kabilang sa minor sponsors ang Blackwater.
Naka-post ang ilang videos ng FHM 100 Sexiest 2016 sa YouTube channel na TONITE WITH JERRY OLEA.