Kim Molina, pantanggal-umay sa alindog nina Arci, Bela, Andi at Yassi

Kim Molina

WILD ang limang girls ng Camp Sawi.

‘Yun ang sabi ni Bb. Joyce Bernal na Creative Producer ng pelikula na co-prod ng Viva Films at N2 Productions.

Pambubu­king ni Bb. Joyce sa presscon ng movie, hindi bait-baitan ang limang bida ng Camp Sawi na sina Arci Muñoz, Bela Padilla, Andi Eigenmann, Yassi Pressman at Kim Molina gaya ng image ng mga ito nu’ng presscon.

Sey ni Bb. Joyce, sa mga video na ipinadala sa kanya habang nagsu-shoot ang mga ito sa Bantayan Island sa Cebu ay wild ang limang girls at kung anu-ano ang pinaggagagawa ng mga ito.

Hindi dine­talye ni Bb. Joyce kung anu-ano ‘yung mga kalokahan ng limang girls, basta sabi niya ay hindi behaved ang mga ito sa 10 days na nag-shoot ang girls sa beach.

***

Sa lima ay si Kim Molina ang pinakabaguhan, pero bihasa na si Kim sa teatro.
Nagbida siya sa Rak of Aegis at nanalo ng award, tapos ay ang husay-husay din ni Kim sa PETA musical na Kung Paano Ako Naging Leading Lady.

Arci Muñoz
Arci Muñoz

Sey ng petite na theater actress-singer, na-starstruck siya sa apat na co-stars niya.
Contract artist kasi si Kim ng Viva at nang sabihin sa kanyang kasama siya sa Camp Sawi, ang akala niya ay joke lang.

Nang sinabi sa kanya kung sinu-sino ang mga makakasama niya ay lalo siyang napatanong kung bakit siya napa­sama sa cast. Inisip na lang niya na siya ‘yung pantanggal-umay sa apat­ na magaganda niyang co-stars.

***

Si Yassi ay nakikita na ni Kim sa mga events.
Si Andi ay roommate niya, na nu’ng unang gabi ay hindi niya alam kung paano siya matutulog dahil hindi niya alam kung humihilik ba siya.

Nakakahiya kung maririnig ni Andi.
As in starstruck daw talaga si Kim sa apat, kaya tulala na lang siya. Pero nalaman niya na sobrang approachable pala ng mga ito.

Mababait kahit medyo bullies.
Inisip na lang niya na kaya siya binu-bully ng four girls ay dahil mahal siya ng mga ito.

Andi Eigenmann
Andi Eigenmann

***

Si Andi ay noon pa kaibigan sina Bela, Yassi at Arci, pero ne­ver pa niyang naka-work ang mga ito.
First time nilang magkatrabaho sa Camp Sawi.

Ang saya ni Andi at mas na-encourage siya at mas nag-enjoy na makasama sa pelikula ang friends niya.

***

Si Arci ay sobrang excited dahil kaibigan niya ‘yung tatlo, tapos si Kim ay tropa ng little brother niya.
Nililigawan si Kim ng tropa ng utol niya.

Happy sila sa set, sabi ni Arci. Parang workation ang nangyari. Bakasyon na nagtatrabaho, pero para silang hindi nagtatrabaho.

Yassi Pressman
Yassi Pressman

Lalo pang naging tight ‘yung bonding nila kasi after the shoot ay tumatambay pa sila at nagkukuwentuhan.
Aasarin nila si Kim at ibu-bully hanggang sa umiyak ito, pero happy silang lima.

***

Kuwento ni Yassi, sa set kasi nila ay bawal umihi.
Kaya nu’ng minsang breaktime na mag-CR si Kim bandang 3:00 AM, pag­labas ni Kim ay wala na silang lahat, ‘yun pala ay nagtago lang sila sa likod ng bahay.

Takot na takot si Kim at panay ang iyak.
Para itong namatayan kung makaiyak. Pinleytaym nila itong apat.

***

Si Bela, 14-anyos pa lang si Yassi ay kakilala na niya.
Hard worker daw si Yassi, hindi nahihiyang magtanong ‘pag hindi ito sure sa gagawin at gusto talagang matuto.

Sina Arci at Andi ay matagal na rin niyang kaibigan kaya masarap ang feeling na nakatrabaho niya ang mga ito.

Sey ni Bela, si Kim ay sobrang bait at walang attitude.
At ang nakakatuwa sa kanilang lima ay wala sa kanilang kikay. Lahat sila ay parang lalaki at hindi pa-girl kaya magkakasundo sila.

Sa August 24 ang showing nationwide ng Camp Sawi mula sa direksyon ng protégée ni Bb. Joyce na si Direk Irene Villamor.