MAY chance na sila ay nag-walling. Ngumalngal. Tumili ang Beliebers nang walang sound.
Ang naka-schedule final 14 concerts (kabilang ang Pilipinas) ni Canadian superstar Justin Bieber sa Purpose tour, kanselado.
Tama na, sobra na, pahinga na muna si Bieber.
Isasauli na lang ang mga bayad sa bumili ng mga ticket ng concert tour.
Ang tanong, ano ang mangyayari sa dapat sanang pagtagtagpo nina Justin at Kim Chiu?
Hindi ba may exchanges sila sa isang social networking site at ang mga piranha at pralala writers ni Chiu, ginawa itong malaking-malaking chika.
Hindi pa ba sumasang-ayon ang Universe, at pati ang mga Pulis Pangkalawakan, nagdabog ang bangs sa paandar ni Kim?
Sa isang TV panayam, ang emotada encarnacion ni Chiu, “Hindi lang naman ako iyong nalungkot. Madami ang nalungkot.
“Pero siyempre, isa siyang Hollywood star so choice nila iyon … Next time na lang kapag ganahan na siya ulit mag-tour.”
Hanash pa ni Kim, “Sobra ko talaga ni-look forward iyong pagdating ni Justin. Kahit hindi niya ako pansinin, mapanood ko lang siya ay okay na ako…
“Pero okay lang, let’s all move on.”
Speaking of Bieber, may mga kuha itong nagsi-circulate sa pink portals na hubad barong lumabas at may binili sa isang twenty hour convenience store.
May isa pang larawan na may kasama itong brawny, burly, at taller guy, mukhang bodyguard niya.
Ang mga malilikot ang imahinasyon, nag-one plus one equals twenty four at talagang may shade of pink ang tiktak.
Pastor ng Hillsong church sa New York City ang kasama ni Bieber.
Carl Lentz ang pangalan.
Hindi natin alam kung kailan muling darating sa Pilipinas si Justin Bieber.
At ewan kung magtatayo siya ng simbahan.