HAVEY: Palabas na ang Working Beks nina John Lapus, TJ Trinidad, Edgar Allan Guzman, Joey Paras and Prince Stefan.

Ito ang pansiyam na gay role ni Edgar Allan­ Guzman at masasabi na­ting gamay na gamay na niya ang pagganap dito. Lagi niyang sina­sabi na inspirasyon niya ang ka­patid niyang bading­ and since first hand ang experience niya sa pagkakaroon­ ng bading sa bahay, exposed­ siya sa kanilang lifestyle, mindset, heartaches and iba pang concerns.

Alam din ni EA na patuloy na siyang na-limit sa ganitong roles dahil hindi nakabuti sa kanya ang kanyang past relationships. Naging distracted­ siya at lumiit ang kanyang mundo.

Nagsisi actually si EA dahil I always tell him that he could have achieved more had he went on with his momentum after winning Best Actor sa Cinemalaya para sa pelikulang Ligo Na U, Lapit Na Me.

His only consolation is that he remains to be in the public eye dahil kasama siya sa successful at top rating na teleserye na Doble Kara na lagpas isang taon na at mukhang aabot pa sa 2017 nang hindi­ naliligwak sa ratings.

Pinagpaplanuhan na ang next moves ni EA. As he turned a year older last weekend, alam niyang crucial ang kanyang mga bagong steps sa kanyang next assignments.

“Tumatanda na po tayo kaya kailangang ­balikan ‘yung pag-aayos­ ng aking sarili. Hindi ko na po papalampasin ito ngayon,” pangako ulit ni EA.

Since quota na siya sa gay roles, sino naman ang gusto niyang makasama sa next acting project?

“Gusto kong bumalik­ sa nauna kong ­partner pagkatapak ko sa ­Kapamilya network?”

Sino, giit ng mga ­kaibigan niya.

Edgar Allan Guzman
Edgar Allan Guzman

“Yung leading lady ko po sa kauna-unahang­ MMK ko po, si Kim Chiu po. Feeling ko swak po kami,” excited at kinikilig na sabi ni EA ­Guzman.

Sana, magkatotoo ang mga susunod na plano sa tambalang Edgar at Kim Chiu.

It also helps na ang kasama sa teleserye ni Kim ay si Gerald Anderson, na malapit na kaibigan ni EA since their back up dancer days with Joross Gamboa.

Ok onscreen sina EA at Kim, wala lang sanang starlet na mang-aaway at gagawa ng sariling ingay.

‘Yun na!

***

WALEY: Nag-meeting kahapon ang MMFF Marketing and PR Committees kasama ang producers at representatives ng 8 pelikulang lahok sa Metro Manila Film Festivals.

Iba ang atmosphere – magaan, bahaginan, tulungan sa marketing­ strategies para lahat ng entries ay kumita sa ­festival.

Walang bahid ng politika, equal ang playing field, walang mafia na mag-iipitan ng theater booking.

Ang pinag-uusapan ay hindi lang dalawa o tatlong pelikulang kikita­ habang napag-iiwanan­ ang ibang entries na mabababa ang box office potential.

“Change has come” kahit sa promotional at marketing strategies. May promo tour, presscons, TV guestings at Christmas parties na magkakasama lahat ng entries.

Pati ang mga gimik sa mga floats, nagababahaginan ng opinyon at tulung-tulong ang lahat. May mga omnibus thea­trical, tv at radio plugs, sama-sama ang lahat.

Ganito kung nagka­kaisa ang prinsipyo ng producers. At kung ­limitado ang resources,­ lalong nagiging creative ang mga solusyon at strategies.

Walang nega.

Suportahan natin ang mga ipapalabas na pelikula nina Vice Ganda at Coco, ni Bossing Vic Sotto at ni Vhong Navarro.

Pati na ang Chinoy,­ Mano Po 7 bago ­mag-MMFF.

At sa Pista ng ­Pelikulang Pilipino, let us look forward to the fresh, new and cool take on ­Philippine cinema.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.

One Response

  1. ano daw nde naliligwaka ang ratings ng DK?? hahaha!! cguro s kanta ruray MR. Ferrer pero s AGB ligwak n ligwak n hahaha!! tama pahabain p ng brand x ang mga palabas nila dahil hilahod n hilahod n mga palabas nila s kaka extend hahahaha!!