Finally ay in-address na ni Kim Chiu ang mga pangba-bash na naranasan niya dahil sa “classroom” statement niya kamakailan. Ayon sa aktres sa kanyang YouTube vlog na in-upload last Monday night, talagang labis siyang naapektuhan ng matinding bashings at naging dahilan para mag-lie-low muna sa social media these past few weeks.
“Nagsara muna ako ng puso at isipan ko because of what happened, siyempre, maraming mga taong perfect, ay hindi, charot! Echos lang!” pahayag ni Kim na mukha namang naka-move on na.
“Pero aaminin ko, hindi naman ako magla-lie to each and everyone sa inyo, I was really down the past few days as in, super-down, pinakamababa pa sa basement ng parking lot,” sey pa niya sabay-tawa.
Pero ang problema raw ay hindi dapat tinatambayan kaya nag-decide na siya to move forward.
“Ang mga problema sa buhay, ‘yan lang ‘yung mga example na magpapatatag sa karakter natin bilang tao kasi siyempre, dito sa mundo, ang daming temptations, ang daming taong makakasakit sa ‘yo. Pero alam mo naman na ‘yung taong makakasakit sa ‘yo, it will teach you how to grow, how to be yourself,” aniya pa.
Itinigil daw niya ang social media para hindi na niya mabasa pa ang mga negative remarks ng mga tao.
“I chose to stay away sa cellphone ko, kahit cellphone ko, hindi ko hawak for ilang days just to keep my sanity,” she said.
Sobrang hurtful words daw ang mga natanggap niya at hindi niya inakalang masasabi raw pala ng mga tao ang ganu’n katitinding mga salita.
“’Yung mga tao, pinagtawanan ‘yung sinabi ko at ako rin, honestly, natawa na lang din ako. Sabi ko talaga, ‘shucks, di ko naintindihan din pala ‘yung sinabi ko, no, kaya hindi ako binoto ng mga kaklase ko nun’g pag ako ‘yung pinagde-debate nila,” natatawa niyang sabi.
Pero at least daw ay maraming natawa sa mga sinabi niya kaya past is past na raw at gusto raw niyang i-turn ang negative into positive.
Sa video ay pinasalamatan din ni Kim ang mga friends and supporters niya na nandiyan daw at the lowest point of her life. Pero may open letter from netizen na labis niyang ikina-touch at talagang nagbigay sa kanya ng encouragement kaya naman sobran thankful siya sa taong ito na hindi niya kilala.
Hinanap niya ang netizen na nagngangalang Adrian at inimbita rin sa kanyang vlog para makausap at personal na makapagpasalamat.
Inimbitahan din niya sa nasabing vlog si DJ Squammy Beats na lumikha ng mga videos (na nag-viral) gamit ang kanyang classroom statement at nilapatan ng beat.
Dahil dito ay naisip ng Star Music na gawin na talgang full song ang classroom statement ni Kim sa tulong ni Adrin at DJ Squammy.
Sa bandang dulo ng vlog ay mapapanood ang music video ng full version ng kantang “Bawal Lumabas (The Classroom Song)” feat. Adrian and DJ Squammy na ayon kay Kim ay siya mismo ang gumawa.
Nag-viral agad ang music video at nag-trending agad si Kim sa Twitter ngayong araw. Ang YouTube vlog naman ng aktres as of this writing ay umaabot na sa 1.2M views in less than 24 hours mula nang i-upload niya ito.
Kaya naman masayang-masaya si Kim at nagpasalamat na sa kanyang latest Instagram post.
“B𝗘𝗦𝗧 𝗚𝗜𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗘𝗩𝗘𝗥!!!!!! 💗💗💗.G𝗢𝗢𝗗 𝗠𝗢𝗥𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗟𝗔𝗦𝗦𝗠𝗔𝗧𝗘𝗦!🛎
“That feeling na nagising ka trending ka ulit, kinahaban ako. Pero nung nabasa ko, para akong nagising sa isang bangungot!!! Gusto ko pong magpasalamat sa lahat!!! ❤️.
“Things may put you down pero tayong mga pilipino hindi natin nakakalimutan tumawa sa gitna ng pinagdadaanan natin. Mahilig tayong tumambay pero hindi sa problema. Salamat sa lahat ng nagbigay inspirasyon sakin.
“Lets spread love, kindess and positivity. Good vibes lang ang pwede sa classroom! Tama? Tama!!!!” ang post ni Kim.