
Isang mature at adulting na Kim Chiu ang mapapanood sa MMFF 2018 entry na “One Great Love.” Hindi lang halikan kundi may love scenes pa si Kim kina JC de Vera at Dennis Trillo sa movie. Sa bathtub ng yate naganap ang unang love scene nina Kim at JC.
Sina Kim at Dennis ay sa may fireplace nag-intimate scene. ‘Yung pangatlong love scene, na nasa kama sila ni JC ang medyo pinaka-daring sa ginawa ng 28-anyos na Kapamilya actress.
May paghaplos sa hita at braso ni Kim si JC sa intimate scene nilang ‘yon. Ang sabi namin kay Kim after ng press preview sa SM Megamall Director’s Club, mapangahas siya rito dahil siya ‘yung nakikiapid at hindi ang mister niya. “Para iba naman. Babae naman. Point of view ng mga babae, na hindi lang mga lalaki ang nagkakamali, pati babae rin. “Gusto ko lang may matutunan sila sa pelikulang ‘to. Hindi siya funny movie.
It’s something na may matututunan talaga sila sa larangan ng pag-ibig,” bulalas ng Chinitang aktres.
Ready na kaya ang fans niya na mapanood siya nang gano’n? “Kaya pa naman siya.
Hindi pa naman siya malalang-malala. Kasali talaga siya sa tema ng movie para lalo n’yong maintindihan na sa love, marami ka talagang isa-sacrifice.“Tulad ng trabaho ko ngayon, I sacrificed something.
Gusto ko na may mapatunayan ako sa audience ko. And I’m happy na naging ganyan ‘yung kinalabasan,” sey ni Kim. Hindi raw siya nagdalawang-isip na tanggapin ito dahil gusto niyang makita na minsan, marupok din ang mga babae.“To give them a different flavor ngayong Pasko,” sundot ni Kimmy.
Gusto niya rin daw patunayan na kaya niyang gawin ang ganu’ng klase ng role at hindi lang siya puro patawa, jolly-jolly at loveteam-loveteam. At sana raw ay ma-appreciate ng mga tao ang karakter niyang si Zyra.
Kasama ni Kim ang father niya du’n sa press preview. Paano niya ipinagpaalam sa tatay niya na makikipag-love scene na siya? “Sabi niya, ‘Eh matanda ka naman na!’ Sabi niya sa akin.
Supportive naman din ang papa ko. At bumiyahe talaga siya from Mindoro para una siyang makanood ng pelikula kasama ang ate ko.”First time napanood nang buo ni Kim ang naturang pelikula at proud daw siya dito.“I’m very happy. Pinalakpakan ko ‘yung sarili ko after.
‘Ang galing-galing ko! Yey!!’” natatawang pakli ng dalaga.Posible kaya siyang manalong Best Actress para rito?“Naku, ang dami namin. Ang daming magagaling, ang daming gustong makuha ‘yung award na ‘yon. Pero sana, happy na rin kung ma-nominate.”Anong mas impotante sa kanya, ‘yung award o ang kumita ang pelikula?“‘Pag award, masyado akong selfish. Gusto kong kumita ‘yung pelikula para lahat kami masaya. Basta happy ang mga tao, positive sana ang reviews, magustuhan nila ang movie.
‘Yun, happy na ang Christmas ko!”Ipapanood niya ba kay Xian Lim ang kanyang filmfest movie?“Oo, kasi mas malala ‘yung ‘Sin Island’ niya!” natatawang sagot ni Kimmy. May pa-block screening din ang KimXi fans at sampu na raw ito so far. Baka sa isa raw sa mga ‘yon manood si Xian.***
Jericho willing isoli ang Best actor trophy
Napakaguwapo ni Jericho Rosales sa MMFF 2018 entry na “The Girl in the Orange Dress.”Bagay na bagay kay Echo ang karakter niya sa movie na si Rye del Rosario na sikat na sikat at pinapangarap ng kababaihan.
Nu’ng press preview ay hindi nanood sina Echo at Jessy Mendiola, pasilip-silip lang sila habang ongoing ang screening.
Sa December 25 daw nila panonoorin nang buo ang pelikula.Inamin sa amin ni Jericho na inspired ng 1999 blockbuster Hollywood movie na “Notting Hill” ang kuwento ng filmfest movie niya.
Pero dito ay ‘yung lalaki ang big star at ‘yung girl ang ordinaryong tao. Pati name ng karakter ni Jessy sa movie na Anna ay galing sa name ni Julia Roberts sa “Notting Hill” na Anna Scott.Sey ni Jessy, ang gusto niyang Christmas gift this year ay ang magustuhan ng mga tao ang pelikula.
Alam niyang hindi lahat ng tao ay mamahalin siya, pero sana raw ay mataypan ng mga manonood ang movie.Natuwa kami for Jessy na may pelikula siya ulit at bidang-bida siya sa kanyang first MMFF movie.Si Echo ay effortless dito as usual.
Hindi raw nag-e-expect si Echo to win anything, pero papanoorin niya lahat ng entries sa filmfest at ‘pag nanalo siya at feeling niya ay may ibang deserving, ibibigay niya raw ‘yung trophy niya kung sinuman ‘yung deserving na maging Best Actor.
Masaya si Jessy na all-out ang support sa kanya ng boyfriend niyang si Luis Manzano, na may cameo appearance sa pelikula.
Nag-arrange na rin daw si Luis ng block screening, na hindi lang daw isa kundi tatlo.Bukod kay Luis ay may cameo rin sa nasabing pelikula sina Jennylyn Mercado, Derek Ramsay (kasama ang nobya nitong si Joanne Villablanca) at si Tito Boy Abunda.Merry Christmas everybody and happy watching ng mga pelikulang kalahok sa MMFF 2018!!